Chapter 17: Taking Care

57 2 0
                                    


(Yara's POV)

Ang sakit woohh pero kaya ko ito dahil ako si Itzayara Blaire Celestial. Matapang ako kaya ko ito, damn para na akong baliw dito huhu.

"Bakit ba kasi ayaw niya ayokong palabasin?" Inis kung tanong sa sarili dahil sawang sawa na ako kakatingin sa kwartong ito.

"May narinig va kayong kalabog kagabi?"

"Oo may narinig ako pero hindi alam yun."

"Hindi naman ata dito yun diba?"

"Hindi naman dahil mukhang okay pa naman tong bahay na ito."

"Pero sabi ni Mang Jose kanina may maraming kahoy na nabali doon banda."

"Talaga ba?"

"Oo halos lahat ng sanga ay ubos na daw."

"Nakakatakot talaga."

"Oo nga nakakaawa yung dalawang dayo."

"Tama ka napakabait pa naman nila."

"Matigil nga kayo dyan buhay pa sila lumabas kanina ang lalaki."

Anong akala nila sa akin mahina, nasugatan lang ako pero malakas ako. Kung wala lang tong masakit na sugat sa kamay naku mapatay ko talaga nag mga lalaking iyon nanggigil ako sa kanila.

Dahil sa kanila kinulong ako ni Dash dito dahil matigas yung ulo ko at alam niyang hindi ako susunod sa utos niya. May nakalagay na benda sa braso ko pati na din sa paa ko dahil napuruhan ako. Ngayon talaga para akong lantang gulay na wala ng kwenta.

"Ang boring Dash kailan ko nang lumbas dito." Naiiyak kung saad.

Huhu wala akong magawa at hindi din naman akong makapaglakad nang maayos dahil any sugat nga ako.

Ilang sandali ay bumukas na ang pinto at nakahinga na ako ng maluwag. Buti na lang nandito na siya dahil sa wakas makakain na ako ngayon.

"Buti naman nakauwi ka na." Saad ko sa kanya at maloko itong ngumiti.

"Ano miss mo na ako?" Tanong niya sa akin.

"Asa ka." Umirap ako at natawa naman siya sa akin.

Binigay niya sa akin ang supot na dala niya at akmang kukunin ko iyon ay kinuha niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umupo siya sa gilid ko at kinuha sa bag ang dala niya, napangiti naman ako ng may makita akong kwek-kwek at isaw. Nag c-crave ako nito ang tagal na simula noong huli kung kain nito.

Sinuboan ako niya at napatingin naman ako sa kanya at matamis siyang ngumiti sa akin.

"Susubuan na lang kita kasi alam kung masakit pa yang braso mo." Saad niya at tumango naman ako sinabi niya.

Kinain ko ang sinubo niya at tuwang-tuwa siya dahil sobrang cute ko daw kumain. Walangya anong cute doon para na akong ewan dito dahil punong-puno na ang bibig ko.

"Pinagtripan mo naman ako." Sumimangot ako at natawa naman siya.

"Ang cute mo sarap mong halikan." Sambit nito at umirap lang ako sa kanya.

Puro kalokohan ang nasa isip ng lalaking ito napakawalang hiya talaga. Mas lalo atang sasakit ang ulo ko sa kanila kay naku hindi ko na talaga alam.

Sa totoo lang kaya ko naman talagang kumain sadyang ayaw niya lang talaga akong hayaan. Binigyan niya ako ng tubig at kinuha ko ito sa kanya st uminom alangan naman siya pa ang magpa-inom sa akin ano ako bata?!

Hot Headed | Gallardo Series#3Where stories live. Discover now