Chapter 15: Hiking

50 2 0
                                    

(Yara's POV)

Ngayon magh-hiking kami ewan ko ba anong trip ni Dash. Maraming bundok sa katabi at gusto niya daw na mag hike. Tinanong pa niya sa taga rito kung safe ba doon at sinabi nila safe lang naman daw.

"Anong trip mo Dash?" Inis kung tanong sa kanya.

"Wala gusto ko lang gumala doon." Sagot niya.

"Bwesit ka Dash, gubat yung pupuntahan natin gubat." Paalala ko sa kanya.

"Alam ko hindi ako bobo." Sagot niya walangya talaga sarap niyang batukan.

"Walang hiya ka!" Bulyaw ko sa kanya at tumawa lang siya.

Hindi namin alam ang daan dito pero ito kami naglalakad sa kung saan-saan. Kapag kami nawala patay talaga siya sa akin, baka biglang may umatake sa amin naku wala na. Hindi naman kami mag stay doon dahil hindi din ako papayag, kaya ko ba talagang umakyat dito. Kasi sa totoo lang lang parang hindi talaga.

"Baka pagdating natin doon mamatay na ako." Saad ko sa kanya.

"Hindi mo sure?" Tanong niya at sinamaan ko siya ng tingin.

Tubig lang ang dala namin, kasi baka mauhaw pa kami kakaakyat. Alam kung sa tuktok nito may malaking patag, at maganda daw ang view doon kaya tiis tiis muna tayo.

"Kaya mo pa?" Tanong niya sa akin.

"Buhay pa naman." Sagot ko at tinawanan lang ako ng gago.

Masaya siya ah ano kaya ang nakain nito, mapalit na mag hapon sana talaga maabutan namin ang sunset. Maganda daw kasi sabi ng mga bata dito. Well sanay na sila kaya na nga nilang takbuhin ang lugar kaya madali lang sa kanila.

"Wag ka ng magreklamo Yara kaya mo to." Saad ko sa sarili ko habang umaakyat sa totoo lang kanina pa kami uumakyat.

Walang katapusan, hay naku minsan pa nga dahil sa katangahan ko muntikan ko nang makain ang dahon na nakaharang. O hindi kaya madulas dahil sa napaka dulas na bato.

"Ano okay ka pa?" Tanong niya at sumimangot ako.

Kanina niya pa akong nakita na nakipag-away sa sanga ng kahoy o hindi kaya madulas o biglang matumba.

"Mukha ba akong okay?" Tanong ko sa kanya at natawa lang siya at nilahad ang kamay niya.

Tumayo ako at naglakad na ulit ayokong sayangin ang oras. Gusto ko nang pumunta doon at makita ang buong lugar. Excited na ako kahit magkapasa o kung anuman ang manyari sa akin basta worth it lahat ng yun.

"Kunting tiis na lang Yara malapit na tayo." Saad ni Dash at tumango lang ako.

Buti na lang talaga ay hindi na kami umaakyat pa, dahil medyo patag na ang lugar at makita mo talaga ang bayan. May malaking puno ng mangga na hindi namumunga dahil sa sobrang tanda na ata.

Tapos may bahay na malapit ng masira, wala na atang nakatira dito. Malamang dahil sira na yung bahay. Tapos may dalawang malaking puno sa gilid ng bahay. Mayroon ding isa pang puno ng magga sa gilid ng bahay. Ang ganda dahil hindi mainit malamig ang simoy ng hangin dito.

Naglakad kami paalis sa lugar at pumunta kami sa may malawak na lugar, pinanood ko ang napakagandang tanawin. Makita mo ang dagat at ang napakagandang sunset.

"Worth it ang pagpunta ko dito." Sabi ko at ngumiti naman si Dash.

"I told you it's beautiful here." He smiled and I just mesmerized how beautiful the place is.

Hindi mo talaga akalain na may ganito pala talagang lugar. Sa likuran namin kita mo ang mas malaking bundok. Walang kabahay bahay dito, merong makita kang maliit na bahay pero mukhang wala namang tao. O baka meron pero wala doon hindi natin alam.

Hot Headed | Gallardo Series#3Where stories live. Discover now