CHAPTER 5

9.6K 154 25
                                    

Chapter 5



1 week had past simula noong uminom kami sa condo ko at pagkatapos non ay malamig parin ang pakikitungo niya sa akin na parang walang nangyari at wala siyang sinabi.



He always avoids my presence so much that every time I show up to him it seems like he's always getting burned, kahit man lang isang sulyap sakin ay hindi niya magawa.



He always pretending na busy siya kahit parang pakiramdam ko ay hindi naman at sa tuwing uutusan niya akong bumili ng mga ingredients para sa mga lulutuin niya ay pinapasabi niya nalang kay Maxine.

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko Ito, imposible namang masaktan ako dahil…dahil halos mag dadalawang linggo palang akong nagtatrabaho dito at aaminin kong may gusto ako dito sa boss ko yung tipong paghanga lang kumbaga.



Masama bang hangaan ang kapogian niya? Lahat naman tayo ay naa-attract sa pogi! Umamin nalang tayo...

Pero bakit nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan niya yung presensiya ko? Para bang hindi ako nag e-exist sa mundo dahil sa mga pinaparamdam niya sakin.

Alam ko namang walang ibig sabihin sakanya lahat ng Ito but why am I still hoping until now? Kahit alam ko namang yung sinabi niya saakin sa condo ko ay dahil lang sa kalasingan niya. Sigurado naman akong iba ang naiisip niya noong time na yon at hindi ako.



Fuck, I'm curious..



Imposible namang Mahal ko na siya? Mahal ko na nga ba siya? In almost 2 weeks? Ang bilis naman yata mahulog ng puso ko kung ganon. Naniniwala parin naman ako sa sarili kong nasanay lang ako sa presensiya niya kaya siguro ganito ang mga nararamdaman ko ngayon. Oh baka naman puro deny lang ako sa sarili ko na gusto ko lang siya pero ang totoo mahal ko na talaga siya. Syet delikado kana Thea!


"Sir pinapatawag niyo daw po ako?" Mahinahon kong sabi habang nakayuko. Nasa kusina kasi ako kanina dahil kausap ko si Max at nag aaya nanaman ang bruha na pumunta sa bar dahil kung hindi daw ako sasama pupuntahan nila ako sa condo ko. Eh as if naman may choice ako.



Hindi siya lumingon sa akin dahil naka tuon ang buong atensyon niya sa laptop at notebook na pinag susulatan niya.



Eh kung hindi niya pala kayang tumingin sakin bakit niya pa ako pinatawag dito!!!



"My food" malamig niyang sabi habang nag ta-type sa kaniyang phone "Sige sir" maikli ko ring sagot.

Napansin ko naman sa gilid ng mata ko ang pag sulyap niya sa akin ngunit panandalian lang iyon.



"Anong gusto mo Sir?" Tanong ko habang deretsong nakatingin sa kaniya "Coffee and rice" iyon lang ang tanging naging sagot niya. Kaagad ko namang tinawagan ang mag dedeliver ng pagkain niya dahil kanina ko pa gustong umalis dito sa hayop na impyernong office niya.

Pag lingon ko sa kaniya halos mangunot naman ang noo ko nang makitang parang may nilalaro siya. Bahagya naman akong lumapit sa table niya to see what he was playing on his phone.



But he didn’t seem to feel my presence because his attention was just focused on his phone.

Pumunta ako sa harap at inikot ko ang swevil chair niya sa akin. Wala akong sinayang na oras. I immediately sat on his lap at ang pwesto namin ay nakatalikod ako sa kanya at ang dalawang kamay niya ay naka kulong sa akin habang hawak ang kanyang cellphone.



The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon