CHAPTER 18

4.1K 61 14
                                    

CHAPTER 18






"Ano? ayos na ba Iito?" Tanong ni Max dahil nandito siya ngayon sa condo ko at nangugulo "Ikaw ba may birthday Max? Eh mas bongga pa suot mo sakin"






Hindi na ako natulog sa bahay nila Chef Denver dahil ayoko lang maka abala sa kanila. Lalo na't alam kong hindi naman ako gusto ng dad niya. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko. Nakakahiya din kasi sa mga kapatid niya.







Madaling araw na din nang umuwi kami dito ni Chef dahil nag aya pa ang mga kapatid niya na uminom.







"Sandali nga…. Bakit parang namumutla ka?" Takang tanong ko kay Max "ahh ano wala ito no! Hindi pa kasi ako kumakain" nag iwas ng tingin si Max at pinagpatuloy ang pag aayos sa kanyang mukha.




5 pm na nang hapon at naghahanda na kami para sa pagpunta sa guest house.








"Pupunta ba si Chef, Max?" Tanong ko pa "Malay ko sayo… ako ba ang girlfriend?" Pinadilatan ko siya ng mata dahil sa kanyang sinabi "Ang alam ko lang mga kapatid niya ang pupunta…. Excited na kaya ako dahil si Professor Xai palang na me-meet ko, May attorney ba siyang kapatid?"







"Hindi ko sure pero mero yata"







"Talaga?! Bakit hindi mo naman sinabi kaagad?! Oh tignan mo nga suot ko? Maayos ba?!" Taranta niyang tanong "Bakit ba desperada ka nang makahanap ng Attorney?"






"Ito naman! Mind your own business Te"






"Alam mo Max? May ipapakilala ako sayo Jacob ang pangalan" saad ko na may ngisi sa mga labi "Attorney ba yan?" Tanong niya habang abala sa pag aayos "Oo attorney siya….kingkong nga lang" sagot ko ngunit bulong ang huli kong sinabi at sapat lang iyon para ako lang ang makarinig.







"Sige ba! May number ka niya?" Humarap siya sa akin. Maxine is absolutely beautiful and there's no doubt there and she obviously comes from a rich family "Oo naman sa bahay pa nga namin natutulog" ngisi ko.







"Ha? Bakit sa bahay niyo?"






"Basta secret muna, ipapakilala ko rin sayo siya soon"







"Alam kong may binabalak ka Thea, sinasabi ko sayo!" Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya "Ano? Ako? Wala akong balak ha! Attorney talaga si Jacob promise mamatay ka man"







"Fuck you"






Malakas ulit akong tumawa. Masarap palang inisin si Max sa ganitong mga bagay "Siya nga pala, Ano namang nangyari sayo sa bahay nila Kuya Ryle? Na-meet mo na ba si Tito Alejandro at Tita Lily?"






Tumango ako at yumuko ngunit may bahid ng lungkot sa aking mga labi at mata "Oh? Eh bakit parang malungkot ka naman diyan?"






"His dad doesn't like me"







"I expected that Thea, alam kong hindi ka matatanggap ng Dad niya dahil sobrang taas ng expectation niya sa panganay na anak niya. all he thought was that kuya Ryle would follow whatever he ordered"






"Ano namang ibig mong sabihin diyan?"






"Never sumuway si kuya Ryle sa Dad niya maliban na lang sa pamamana ng company pero kung tungkol diyan? Never niyang hindi sinunod dahil malaki ang respeto niya at maging ako ay nagulat nang hindi na pala matutuloy ang kasal"






The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon