CHAPTER 17

5.3K 74 30
                                    

CHAPTER 17







"Ano tuloy tayo bukas ha?" Bulong ni Max sa akin "Ano nanaman yang sinasabi mo diyan? Anong tuloy?" Tanong ko "ulyanin kana talaga girl! Sa guest house nila Katrina! Diba nga birthday mo na bukas? Pati ba naman birthday mo nakalimutan ko na?"






"Alam ko naman yon pero kailangan ba talagang mag party?"






"Ano kaba! Ganon kasi ang usapan namin noon kapag may nag birthday ang isa sa amin dapat mag party"






Magsasalita pa sana ako nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko "Back to work" saad ni Chef sa baritonong boses "sandali naman kuya nakikipag Chickahan pa ako sa assistant mo"







"Chef" pagtatama ng boss ko "Sorry na kuya- Chef Pala" saad ni Max "nga pala Chef may pupuntahan kaba bukas? Hindi kaba sasama sa guest house?" Tanong pa ni Max.





"I don't know" He answered coldly "wala ka bang alam Chef?" Takang tanong ni Max "Nothing, why?"






Kumirot ang puso ko dahil sa sagot niya. Hindi ba niya alam na birthday ko?






Lumingon sakin si Max at ngumiti "Ganon ba? Basta sumama ka nalang bukas Chef ha?" Saad ni Max at simpleng tango nalang ang naging sagot ni Chef Denver.





Hinarap ako ni Chef at hinawakan ang aking bewang "Hindi mo ba sasabihin?"






"Ang alin Chef?" Takang tanong ko "I don't like the way you call me Chef"





Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko "s-sorry nasanay lang" utal kong sambit "hindi mo ba talaga sasabihin sakin hmmm?" Hinakawan niya ang Baba ko at inangat ang aking ulo "ang ano ba Sir?"






Humugot siya ng malalim na buntong hininga at pagkatapos ay lumingon kay Maxine sabay tango.







Mahigpit na hinakawan ni Chef ang kamay ko at iginaya ako papuntang elevator. When the elevator opened on the second floor we immediately went to his office.






Umupo ako sa couch habang siya ay nakatayo.





"A-anong meron Sir?" Puno ako ng pagtataka "Your birthday is tomorrow right?"






Laglag ang panga ko siyang tinignan ang buong akala ko kasi ay hindi niya alam na birthday ko bukas "p-paano mo naman iyon nalaman Sir?" I asked. Lumuhod siya sa harap ko at ipinatong niya ang kanyang braso sa aking hita "Hindi ko ba pwedeng malaman hmmm?"





"Ahh H-hindi naman sa ganon"






Nawala na rin kasi sa isip ko ang birthday ko dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi parin kasi tapos ang problema ko dahil hanggang ngayon ay tuloy na tuloy parin ang kasal namin ni Jaspher. Hindi ko pa nagagawang sabihin sa parents ko ang totoo.






Mahina siyang natawa at sinuklay niya buhok niya gamit ang kanyang kamay "Can you come with me tonight?" He asked pagkatapos ay umayos ng tayo.





Naglakad siya papunta sa kanyang swevil chair pagkatapos ay umupo "Ahh-anong ibig mong sabihin Sir-"





"Stop calling me Sir"






"Ano ba kasing ibig mong sabihin?" Tanong ko at mahina siyang natawa pagkatapos ay sumandal sa kanyang swevil chair at pinaglaruan ang kanyang ballpen "What you have in mind is wrong, Adi"






The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Where stories live. Discover now