CHAPTER 16

7.1K 99 62
                                    

CHAPTER 16

CHAPTER 16

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.








"Hoy Max!" Pabulyaw kong sambit kay Max "ay Natoy ko- ano ba yon Sis? Bakit kaba nang gugulat? Muntik na tuloy akong masugat dito sa kutsilyo"




"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng Adi?" Tanong ko sa kanya. Dumiretso kasi ako dito pagkagaling ko sa intramuros dahil kinuha ko lang ang lumang box na may lamang letra, sampaguita at kwintas habang si Chef ay yung painting ng Lolo niya.






Hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isip ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon "Malay ko diyan,may Google naman"





"Wala akong load"





"Ang yaman yaman mo tapos may company parents mo, wala kang load?"






"MAY WIFI KASI KAMI" may diin kong wika "Oo na, ako nalang mag se-search"




"Sandali, tapos kana ba magluto?" Tanong ko "Tapos na ako magluto anong oras naman na"






Tumango ako at umupo sa tabi niya. Binuksan niya ang laptop pagkatapos ay kaagad na sinearch ang meaning ng 'Adi'






"Oh sabi dito 'Adi short for adiel means blessings from the lord' alam mo bang uso din yan sa Facebook" paliwanag ni Max habang tutok na tutok sa laptop "Bakit mo ba natanong? San mo naman nakuha ang salitang iyon?" She asked "tinawag ako ni Chef na Adi"






"Oh edi ibig sabihin lang niyon, Sis blessing ka daw sa life niya" saad niya. Tumango tango naman ako habang malawak ang ngiti sa aking mga labi "ay sus kilig pechay mo?"








"Mala Katrina ka din eh no?"





"Ayaw mo ba? Edi Pepe nalang hahaha"







Umirap ako sa kanya at padabog na tumayo "Sandali Thea, aalis kana? May ipapakuha sana ako sayo sa bodega"







"Ikaw ba ang boss ko aber?" Nakataas kilay na tanong ko at nagpamaywang "ang sama nito, sige na kasi"







"Oo na, ano ba kasi iyon?" Tanong ko "Yung ibang mga gamit sana dito sa kusina, wala kasi si Nathan siya kasi ang kumukuha ng gamit sa bodega"






"Pero teka pwede bang ipitan mo muna buhok ko? Ang init kasi" napairap naman ako sa hangin. Ginawa pa akong utusan ng bruhang Ito! Mukha bang alila ang ganda ko?







Kinuha ko sa kanya ang ponytail at inipitan ang buhok niya ngunit sandaling kumunot ang noo ko sa labis na pagtataka nang makita ko ang likod ni Maxine





The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING حيث تعيش القصص. اكتشف الآن