CHAPTER 21

3.1K 58 8
                                    

CHAPTER 21




It's been a week since Denver and I had a big problem. minsan talaga ay hindi natin maiiwasan ang mga bagay na ayaw nating mangyari ngunit kahit anong palag natin ay darating talaga ang araw na mararanasan natin ito sa ating buhay dahil parte iyon sa plano ng diyos upang tayo ay matuto.





Isang linggo na akong nandito sa bahay dahil ayoko munang umuwi sa condo. Hindi pa ako handang makita siya.







I called Max several times but she didn't answer kaya napagdesisyunan ko nalang na puntahan siya sa restaurant. Balak kong mag resign ngayon dahil hindi ko kayang magtrabaho sa lalaking sinaktan ko.





Napagdesisyunan ko na din na kuhanin muna ang DNA test bago ako pumunta kay Max at nang makarating ako sa parking lot ay naisipan kong tawagan si Jaspher.




"Hello baks? Jaspher?"




["Jessica hindi Jaspher! Sarap mong supalpalan"] bungad niya sa kabilang linya.






"Arte mo! Puntahan mo ako dito sa Bahay tapos diretso tayo sa restaurant"





["Gusto mo bang maaga akong mamatay?"]





"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.






["Pag nakita ako ni Ryle baka hindi na ako sikatan ng araw"]





"Oh ano naman kung nakita ka niya?"






["Nananahimik kaya ako tapos bigla mo akong dinamay eh hindi naman na tuloy ang kasal pisteng yawa to!"]





"Puntahan mo nalang ako!" Iritang sambit ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.




["Kinginang buhay to oh! Umay! Oo na sige na pupunta na! To the rescue talaga ang bakla! Yun nalang ba ang position ko sa buhay?"]






"Bilhan mo na rin ako ng apple ha?" Pahabol ko.







["Ampota! Mukha ba akong palengke? Umay na talaga"]






Mahina akong tumawa at binaba ang phone. Naghintay ako ng ilang oras bago ang pagdating ng bakla na may dalang mansanas. Namasahe lang siya dahil sinabi ko naman na dala ko ang sasakyan ko.






Dumiretso kami kung saan kukuhanin ang result ng paternity DNA test. tila nawalan ako ng pag asa nang makita ko ang resulta. Siya nga ang tatay. Si Helios ang ama...





"Jaspher huminto muna tayo sa restaurant" saad ko sa bakla.





Tumango siya at kaagad akong inalalayan papasok sa sasakyan. ilang oras lang din ang biyahe at kaagad din naman kaming nakarating sa Restaurant at si Jaspher ay naiwan nalang din sa loob ng sasakyan dahil natatakot daw siyang magpakita kay Chef.





Dumiretso ako sa sa office ni Chef at bahagya pa akong nagulat nang madatnan ko si Max. Abala siyang nagsusulat kaya hindi niya naramdaman ang aking presensiya.






"Max" tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya parin ako nililingon. Lumapit pa ako ng kaonti at nagbabakasakaling hindi niya lang ako narinig.






"M-max" ulit ko. Ngunit nabigo ako sa pangalawang pagkakataon.





Lumapit pa ako sa swivel chair at pilit siyang iniharap sa akin "M-max may problema ba? Bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong ko.




The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon