CHAPTER 13

7.1K 128 48
                                    

CHAPTER 13






"Seryoso ba talaga si Chef?" Bulong sakin ni Max. It's already 10 pm at uwian na ng mga employees si Chef Denver ay maaga na ring umuwi dahil may kakailanganin pa daw siyang asikasuhin "Hindi ko alam" nakangiti kong sambit.





Inuwi kasi ni Chef ang luto ko dahil gusto niya daw kainin at ito namang si Max ay halatang ayaw ang adoberry ko. Masarap naman Iyon ha? Ano namang masama sa luto ko. Ang creative kaya tignan.



"Ahh- osiya sige yun naman ang gusto ni C-chef eh" utal na wika ni Max "Ano? Sure kana bang maiiwan ka dito? Sino ba kasing hinihintay mo?" Pag iiba niya pa ng usapan.



"Ang chismosa mo! Umuwi kana nga, diretso uwi na ha baka tumambay ka nanaman sa bar"





"Oo na, para ka namang nanay"





Napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Ang totoo kasi niyan kaya lang naman ako nagpapaiwan dito sa restaurant ay dahil hinihintay ko si Jheryza, ang sabi kasi niya sa Instagram ay may pag uusapan kami.






Siya ang may kailangan pero ako pa talaga mag dudusang maghintay sa kaniya.






"Ikaw na lang mag lock ng restaurant ha… mag iingat ka baka ma rape ka diyan" saad ni Max at simpleng tango nalang ang naging sagot ko.





Pagka alis ni Max ay inabala ko muna ang sarili ko sa phone habang wala pa si Jheryza. Anong oras ba dadating ang babaeng iyon? Ako pa ba talaga ang maghihintay sa kaniya?






Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naghintay bago siya dumating, madilim na rin ang kalangitan at ang tanging buwan nalang ang nagsisilbing ilaw sa labas.






"Sorry, natagalan" malamig niyang sambit at umupo sa harapan ko. Hindi ko alam kung talagang sinasadya niya o hindi niya lang talaga kayang lumingon sa akin at iniiwasan ang bawat pag lingon ko sa kaniya.



"Ayos lang, ano ba ang pag uusapan natin?"





Hindi pa man din nag uumpisa ang conversation namin at wala pa man ding lumalabas na salita sa bibig ni Jheryza ay unti-unti nang umagos ang kaniyang luha.





Napakunot ang noo ko dahil sa ikinikilos niya "Mahal ko ang lalaking iyon ng sobra at higit pa sa buhay ko" panimula niya at pilit na pinapaalis luha na lumalandas sa kaniyang pisngi.






Kumabog ang dibdib ko at napahawak ako dito. Expect kong Ito nag pag uusapan namin. Alam kong is Chef Denver ang magiging topic namin ngayon, alam ko ring siya ang dahilan ng mga luhang tumutulo sa mata ng babaeng nasa harapan ko.






"I love him since day one, siya ang unang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. he's my childhood best friend that I have dreamed to be with for the rest of my life"






Tumingin Ito sa akin na puno ng hinanakit at sama ng loob sabay ng pagtulo ng kanyang luha. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko habang pinaglalaruan ang kamay ko.





"Pero sinira mo ang pangarap ko Thea, sinira mo kami" walang pag aalinlangan niyang sambit. Walang salita na lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.






Hindi ko Alam kung saan ako mag uumpisa, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang kagagahang ginawa ko. Jheryza is right, sinira ko nga sila at sa tingin ng iba ay naging kabit ako kahit hindi pa man din sila kasal. Nagpadala ako sa emosyon ko.





The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt