CHAPTER 11

8.9K 126 12
                                    

CHAPTER 11






"Listen" panimula ni Chef Denver. Nabaling sa kaniya ang atensyon naming lahat dahil nandito kami ngayon sa kanyang office. Pinatawag niya kasi kami kanina dahil meron daw siyang mahalagang sasabihin.



Hindi ko alam kung anong meron ngayon. Pagkatapos kasi nung
nangyari sa sementeryo 3 days ago ay hindi na kami masyadong nag uusap.





At ilang araw nalang ay ikakasal na siya sa ibang babae. I have no right to feel this because honestly, I was just an assistant who secretly liked her boss and I also don't know how and where it started.




"We are going to the forest Garden" He started habang nakasuksok ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa "Saan naman yon sir?" Tanong ni Max





"Nueva ecija"





"Anong meron Chef? Bakit parang biglaan naman yata?" Jaspher asked. Ito yung lalaking kaibigan ni Chef Denver. Iyong lalaking pumasok sa office noong katatapos pa lang ng interview ko.





Hindi ko naman kasi alam na papasok na lang siya bigla bigla noong time na iyon! Mabuti nalang at hindi niya na naalala.





"May pre-nup kasi kami para sa kasal namin ng sir niyo so nag suggest ako na isama nalang kayo para mas masaya" Jheryza explain na katabi ni Chef Denver. Napairap naman ako sa hangin ng makitang nakalagay ang kamay nito sa dibdib ng boss ko habang nakasandal silang dalawa sa lamesa.






Nang tignan ko naman si Chef Denver ay nakita kong nakatitig siya sa akin kaya kaagad siyang napaiwas ng tingin.





"So pack your things guys 'cause we are going this afternoon" nakangiting sambit ni Jheryza. Napakagat labi naman ako at tumango habang nakayuko.





I didn't want to go 'cause I didn't want to see them both but I had no choice dahil sigurado akong sasabunin ako ni Max ng tanong.






"Nag Chat na ako sa group, sinabi kong hindi na muna tuloy yung pagpunta natin sa Bar mamaya" sambit ni Max na nasa tabi ko habang abalang nakatitig sa kanyang phone.


"Bar nanaman? Buti hindi ka mamatay matay diyan sa Kaka alak mo?" Sagot ko "Ano kaba? Mala cardo dalisay yata itong atay ko"




"Ano? sasama kaba mamaya?" Pag iiba ko ng usapan "Oo naman, Baka may alak don! Tska sis hindi ko alam ha pero malakas talaga ang kutob kong makakatagpo ko na doon yung Attorney ko"




"Ewan ko sayo, sunduin mo nalang ako mamaya sa condo" hindi ko naman kasi alam kung saan bandang lupalop ng nueva ecija iyang forest Garden na yan "Chef mauna na po kami para makapag ayos" paalam ni Max kay Chef at tumango nalang ito.





Ayoko sanang tignan si Chef at Jheryza pero hindi talaga mapigilan ng malikot kong mata ang lumingon sa kanila.




Hinila ako ni Max palabas ng office kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko "May something ba kayo?" Tanong ni Max habang naglalakad kami sa parking lot "What do you mean?"





"Chef Denver, may something ba kayo? Kanina kasi noong nag eexplain si Ate Jheryza nakatitig siya sayo then ikaw naman ay palingon lingon sa kaniya, so anong meron?"




"Malay ko, may LQ kami"




"WHAT?! ANO ULIT SINABI MO?" Nanlalaking mata niyang tanong "I mean ano kasi- basta! Mahirap mag explain okay? Walang something samin ni Chef Denver" Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Max na ilang beses ng may nangyari sa amin ng boss ko.





The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Where stories live. Discover now