CHAPTER 14

6.9K 111 61
                                    

CHAPTER 14






Ilang beses ng nag ring ang phone ko ngunit hinahayaan ko lang Ito. Kanina pa tumatawag si Max dahil hindi ako pumasok ngayon nahihiya at natatakot kasi akong magpakita kay Chef Denver.



Halos tatlong araw na akong hindi pumapasok sa trabaho at ang huli naming pag uusap ng boss ko ay restaurant pa. Noong umamin siya at sinabi ko sa kaniyang hindi siya ang gusto ko.



Hindi ko na alam kung paano ako haharap sa kanya at kay Maxine. but at least I did what I knew was right.





Nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan kaya naman tamad akong tumayo at binuksan Ito.




"Ano bang amoy 'yon?" Bumungad sa akin si Maxine na napatakip ng ilong "Omg ka! Ikaw naaamoy ko!" Mahina niyang pinalo ang balikat ko "ilang araw kang hindi naligo? Para kang nanay diyan sa eyebags mo!"





"Anong ginagawa mo dito Max? Wala ka bang trabaho?"




"Kung ako kaya magtanong niyan girl? Wala ka bang trabaho?"




Tumalikod ako at nahiga sa kama. Hindi ko naman kasi expect na dadating siya ngayon! Maging ang pagligo ay hindi ko na nagawa "A-ayoko pa munang pumasok ngayon"




"Ay desisyon ka girl? Baka mawalan ka ng trabaho dahil diyan sa ginagawa mo! ilang araw ng umiinom si Sir sa office at maging si Ate Iza ay ayaw niyang papuntahin sa restaurant" tuloy tuloy na saad ni Max.


"Ha? Ano namang nangyari kay Chef?" Curious na tanong ko "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Ikaw ang huli niyang nakausap 3 days ago Sis, ulyanin kana ba?"





"W-wala naman kaming pinag-usapan no!" Pabulyaw kong sambit "Sus, talaga ba? Hindi mo ako maloloko Thea! Narinig ko kayo"




"ANO?!"




Napatakip si Max sa kanyang bibig dahil hindi niya aakalain na madudulas siya "Sinundan mo ba kami?!" Nanlalaking matang tanong ko "Hindi, nagtapon ako ng basura tapos napadaan ako sa parking lot, hindi ko naman pinakinggan lahat alam kong privacy niyo 'yon"





Tumango tango ako at pumikit "Ano, wala ka ba talagang balak pumasok?" inalis niya ang kumot na nagtatabing sa aking mukha sabay upo sa tabi ko "Ayoko muna Max kaya bumalik kana doon, Pakisabi nalang kay Sir na may sakit ako"





"Hindi pwede Thea!" napakamot ako ng ulo dahil sa kakulitan niya kaya naman napagdesisyunan ko nalang na umidlip muna saglit dahil ilang araw na din akong kulang sa tulog.



["Kuya….yes kuya andito ako sa condo niya…. Ayaw niyang pumasok dahil may sakit siya"]




Narinig ko ang boses ni Max na tila may kausap sa kabilang linya. ibinaba ko ang kumot na nakatabing sa aking mukha upang makita siya.





"Sino'yon?"





"A-ahh ano si Kuya Jake"






Tumango ako at napailing. Bakit niya naman ako kailangang isumbong sa kuya niya? Boyfriend ko ba kuya niya?





Ang alam ko dalawa lang ang tinatawag niyang kuya. Si Jake at si-





"CHEF DENVER?!" Napatayo ako at nanlaki ang mata ko nang makita si Chef na nasa harapan ko.





The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Where stories live. Discover now