CHAPTER 9

9.5K 131 49
                                    

CHAPTER 9

CHAPTER 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Kanina ka pa hinihintay ni Sir! Ang tagal mo girl umiinit na yung pwet namin! kanina pa kami nakaupo!" Pabulyaw na sabi sakin ni Max.




Bakit naman ako hihintayin? Guest ba ako? Wow ah! Ako pa talaga nahiya sa kanila? Sinabi ko ba kasing hintayin nila ako?




Hindi sana ako papasok ngayon sa trabaho dahil tinanghali ako ng gising at isa pa doon ay ayokong malaman kung ano naman ang balak sabihin nila Sir.





Halos magdamag akong nanuod ng horror movie para lang mawala sa isip ko yun! Buong isang araw akong nag ooverthink punyeta silang dalawa!





"Required bang hintayin niyo pa ako?" Hindi pa man din kasi ako nakakapasok bunganga na kaagad ni Max ang bumungad sa akin "Malay ko ba kay Sir, daming ka ek-ekan sa buhay"





"Ano daw bang meron?" Trying to asked her. Kahit alam ko naman kung anong meron ngayong monday "Kung alam na namin hindi kami tatlong oras na naka upo sa couch kanina Thea" she answered on a sarcasm tone.




"Sarap mong hambalusin ng sapatos ko Max" irap ko sa kaniya "Sarap mo ding hatakin papasok sa office ni Chef Denver Thea" laban niya.




Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil alam kong hahaba lang ang conversation naming dalawa kaya naglakad nalang ako papunta ng elevator.




Habang palapit ako ng palapit sa office ni Chef Denver ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko at mas lalong dumadagdag ang kaba sa aking puso.





I shouldn't feel it but my heart and my mind are telling me that maybe what they tell us is not good news, or if it's good for them but for me it's not.






I don't know ang gulo ng nararamdaman ko.





Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng office at nasa likod ko lang si Max "Ano ba Thea! Kailangan ba talaga dahan dahanin pa?!" Inip na sambit niya "Oo, para hindi masakit Max! Mahapdi kasi kapag binigla"





"Ang bastos talaga ng bunganga mo"





Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil tuluyan ng binuksan ni Max ang pintuan. lahat ng employees sa restaurant at ang ibang mga Chef ay kaagad na napatingin sa gawi namin.





Napunta ang dalawang mata ko sa pwesto ni Chef Denver na ngayon ay nakasandal sa kaniyang table habang nakalagay ang kaniyang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak na sigarilyo.





Napaawang ang labi ko nang makita kong umayos siya ng pagkakatayo at tinapon ang sigarilyo sa basurahan pagkatapos ay nag cross arm habang diretsong nakatingin sa akin.




The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon