CHAPTER 19

3.5K 57 11
                                    

CHAPTER 19






"Thea gising" napamulat ako ng mata ko nang maramdaman ko ang pagyugyog sakin ni Max "Bakit ba nandito ka?"





Halos mag dalawang buwan na ang nakakalipas at hindi parin maalis sa aking isipan ang nangyari sa guest house.





Ayokong Makita ang kapatid ni Chef ngunit may part sa puso ko na kailangan ko siyang makausap upang maliwanagan at malaman ang totoo.




Kinusot ko ang mata ko at dahan-dahang tumayo. "Oh Jaspher? Nandito ka din?"





"Obvious ba sis?" Inirapan ko siya pagkatapos ay inayos ko ang aking buhok habang naka harap sa salamin "Sumama ako kay Max dahil tatanungin sana kita kung anong balak mo sa kasal na yan"





"Bakit ako lang ang kikilos?" Tanong ko sa kanya "Muntik na akong madulas kay Chef, Sis akala ko maaga akong mamamatay"




"Ang dami niyong problema, tignan mo ako pa chill chill lang" sabat ni Max kaya pinanlisikan namin siya ng Mata ngunit kaagad din nagbago ang ekspresiyon ng aming mukha nang makita ang kalagayan niya.




"Max may problema kaba?" kumunot ang noo namin ni Jaspher at kaagad na lumapit sa kaniya. Nakikita namin sa kanyang mukha ang ngiti sa labi ngunit bakit parang namumutla siya?





"Ha? Anong sinasabi niyo diyan?" Tanong niya "Bakit parang namumutla ka? Among meron diyan sa leeg mo bakit parang may pasa?" Tanong ko.





"Anong nangyayari sayo-"





Hindi na nagawang makapagsalita ni Jaspher nang bigla na lang natumba si Max.





"Max!" nag aalala akong umupo upang tignan ang kalagayan niya "Jaspher buhatin mo na siya ano bang tinatayo tayo mo diyan?! Dalhin na natin siya sa hospital!" Tarantang saad ko.





"A-ano? A-ako? Hindi ko keri Te"





"Pukinang ina ka! Bubuhatin mo o puputulin ko yang alaga mo!" Pasigaw kong sabi "oo na ito na jusko katakot ka naman"






Taranta kaming pumunta sa parking lot at kaagad na isinakay si Maxine. May duda na akong may masamang nangyayari sa kaniya ngunit mas pinipili niyang isekreto sa amin.





"Saang hospital ba?" Tanong ni Jaspher sa kalagitnaan ng biyahe "Sarap mong iuntog bakla ka, edi kahit saan na! Kailangan may specific pa ba?!"




"Pasensya naman"





In just a few hours, we arrived at the hospital near the condo where I was staying. Bakit ba kasi si Jaspher pa ang kasama ko dito? Eh gaga rin ito.





"What happened?" Tanong ng isa sa mga nurse. Tatanong pa oto bakit hindi niya nalang asikasuhin ang kaibigan namin!




"Obvious po ba Miss?" Saad ko.






Kaagad na chineck ng isang doctor ang kaibigan namin "Ano pong sakit ng kaibigan namin?" Tanong ni Jaspher.





"Bigla nalang po siyang natumba at parang kanina pa maputla" sambit ko "I'm not sure about her condition yet but don't worry gagawin namin lahat ng aming makakaya"






Tumango tango ako. Para akong matutumba dahil sa panghihina. Hindi ko kayang makita si Max na nandito sa hospital habang wala akong alam sa kanyang kalagayan.




The Trace Of Yesterday (Fontavilla brothers series 1) ONGOING Where stories live. Discover now