Chapter 6

869 60 7
                                    

Blake POV



Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi magsungit kay Ms. Author kanina. Or should I call her, Tala?

Paano ba naman, she's too hot too handle! Parang inihahain nito ang kanyang sarili sa akin.

Hindi ko nga rin alam kung paano ko nakayanang magtiis at kontrolin ang sarili ko kanina. Himala rin at nagawa kong gawin iyon. Hindi biro ang ginawa kong concentration ha? Knowing na wala siyang kasaplot-saplot sa katawan, maging ako.

Argh!

Kawawa naman itong puson ko. Napapanguso na sabi ko sa sarili habang naglalakad pauwi ng bahay.

Nagkahiwalay na kami ni Tala matapos ko siyang sabayan sa paglalakad pauwi sa bahay kung saan sila tumutuloy ngayon ng kaibigan niya. Take note, hindi ko pa rin siya kinikibo, ganoon din ito sa akin.

May attitude talaga ako lalo na kapag ganitong gustong-gusto ko ng isang bagay, pero pinipigilan ko. Respeto ko na rin sa kanya.

Ang ipinagtataka ko lang, hindi ba talaga niya ako namumukhaan? Wala ba talaga siyang natatandaan noong gabi na iyon? Parang ang labo lang kasi na hanggang ngayon, halos araw-araw kaming nagkikita sa baryo na ito, hindi man lamang ba sumagi sa isipan niya ang mga ginawa namin nung gabi na iyon?

Tsk. Ginalingan ko pa naman masyado tapos hindi rin naman pala niya natatandaan. Parang useless lang pala lahat ng effort na ginawa ko.

"Uhhmmmm, please faster...Yeah, that's it give me more."

"I love it! You're so good."

Napangiti ako ng nakakaloko nang muling maalala ang sarap na aming pinagsaluhan noong gabi na iyon. Ngunit agad din na napapikit ng mariin at pagkatapos ay napailing dahil muli ko na namang naalala ang mga nangyari sa ilog kanina.

Gosh! Wala akong ibang maisip habang pinagmamasdan siya kundi ang angkinin siyang muli, kiss her lips, and hear her moans once again, na tila ba isa itong musika sa tenga at kay sarap pakinggan. I want to make love to her on that river until we both get tired.

But I just can't. I can't because I have to respect her. No matter what lust I feel every time I look at her body, she is still the woman I love who needs to be respected and honored.

Isa pa, hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa kanya. Maybe soon? Ang kailangan ko ngayon ay makuha ang puso niya at ingatan ito.

Awtomatiko na napakunot ang aking noo nang mapansin ang isang kulay itim na kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay ni Auntie Nora.

Nakita ko rin na parang may kausap ito mula sa likod ng sasakyan. Mukhang may mga bisita siya ngayong gabi. Kailangan ko na naman yatang mag kulong sa kuwarto dahil ayaw na ayaw ko kapag may ibang tao sa bahay, lalo't hindi ko kakilala.

Pinagwalang bahala ko na lamang ang mga ito at mas binilisan pa ang mga hakbang papasok sa gate dahil maghahanda pa ako para tulungan si Auntie sa kanyang pag-babarbecue nang...

"SURPRISE!!"

Bigla na lamang kasing may mga sumulpot mula sa likod ng itim na sasakyan na iyon at mabilis na niyakap ako ng mga ito. Hindi naman maitago ang gulat, saya at galak nang yakapin ko rin silang dalawa pabalik.

"What are you two doing here?!" Hindi maitago ang saya sa boses ko nang makita ko ang dalawang best friend ko ngayon sa harapan ko.

"Sira! Malamang miss ka na namin!" Napapanguso na sabi ni Faye bago ako niyakap muli. Siya 'yung best friend kong napaka-clingy.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDOn viuen les histories. Descobreix ara