Chapter 15

638 43 2
                                    

Tala POV


"Blake, I don't understand. Bakit natin 'to ginagawa. Nagki-kiss tayo, nag-ma-make out, we care for each other, na hindi naman talaga natin dapat ginawa. Yes, you told me na hindi natin kailangang magmadali, but what exactly we are doing? Gusto kong maintindihan, ano bang meron sa atin?" May hinanakit na tanong ko sa kanya.

Gusto kong sabihin niya sa akin ang totoo. Para naman alam ko kung tataya ba ako o hindi, 'di ba? Hindi 'yung ganitong sasabak ako sa isang laban na hindi ko naman alam kung ano ang ipaglalaban.

Tahimik at walang kibo na napatitig lamang ito sa mukha ko. Mayroong sinasabi ang kanyang mga mata ngunit hindi ko naman mabasa kung ano.

Napailing ako at tatalikod na sana sa kanyang muli nang tuluyan siyang magsalita.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Awtomatikong napakunot ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"O ayaw mo lang alalahanin because you are so in denial sa kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Or maybe, natatakot kang malaman ng ibang tao---"

"Blake, I don't know what you're talking about." I cut her off. "Can you please be straightforward and---"

"That night, Tala." Putol din nito pabalik sa akin.

Napalunok ako ng mariin kasabay ang pagyuko.

Isang gabi lamang kasi ang hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko. That night I had sex with a stranger woman. Na hanggang ngayon, I still can't remember her name or even her face because of being so drunk.

Kusang nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng aking labi nang ma-realize ang ibig nitong sabihin.

"Wait, d-don't tell me, i-i-it's...it's you?!" Utal utal at hindi makapaniwala na tanong ko. Ang liit nga naman ng mundo. "That woman I slept with that n-night are..."

"Yes, Tala." Agad na pagsagot nito habang nakatitig lamang ng diresto sa mga mata ko.

Kahit na malakas pa rin ang pag buhos ng ulan mula rito sa labas ng kubo na aming sinisilungan, wala akong ibang naririnig kundi ang mas lumalakas at gusto ng kumawala na pagtibok ng aking puso.

Malayo ito sa normal na pagpintig ng aking puso. Para akong sasabog sa gulat at kahihiyaan lalo na ngayon sa aking mga nalaman.

Kaya naman pala masyadong pamilyar sa akin ang perfume na gamit nito, kaya naman pala gayon na lamang din kapamilyar ang boses n'ya and the way how she kissed me...

Iyon ay dahil si Blake ang babaeng iyon. At wala akong ka ide-ideya na sa dami ng lugar na pwede kaming pagtagpuing muli, dito pa. Dito pa sa liblib at malayong lugar na ito.

Humakbang ito ng dalawang beses palapit sa akin habang diretso pa ring nakatingin sa mga mata ko.

"Tala..." Habang ako naman ay kahit na gustuhin ko mang umatras palayo sa kanya, hindi ko magawa.

Para bang kusang napako ang mga paa ko at hindi na magawang makagalaw pa. Lalo na noong marahan na hawakan ako nito sa aking pisngi pagkatapos ay bumaba ang mga mata nito sa naka awang kong labi.

"I like you, a lot. Simula noong gabi na iyon, hindi ka na nawala pa sa isip ko. Everything about you keeps reminding me. Kahit saan ako tumingin, kahit saan ako magpunta, that precious night I had with you always flashing back on my mind." Malumanay at dahan-dahan na sabi nito sa akin at dama kong punong-puno ng emosyon ang bawat salitang binibitiwan nito.

"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na makitang nasa harapan kitang muli. Especially nung dumating ka dito sa baryong ito. I don't want to waste any chance kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako sa harap mo. I didn't expect na hindi mo pala ako natatandaan---"

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now