Chapter 33

450 34 8
                                    

Tala POV



Limang araw nang nakaburol ang labi ni Blake pero hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas ng loob na harapin at puntahan siya.

Hindi ko kaya na makita siyang nasa loob ng isang puting kahon na iyon. Habang napapalibutan ng mga taong nag-iiyakan at nagdadalamhati dahil sa pagkawala niya.

Hindi ko kaya na makitang nasa loob siya ng kahon na iyon na wala ng buhay pa, na hindi na humihinga.

I just can't see her like that.

Parang pinupunit ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi ko kayang tanggapin, hindi ko kayang paniwalaan na wala na siya. Ayaw kong maniwala na iniwan na niya ako dahil nangako siya sa akin. Nangako siya eh.

Hindi ko siya kayang harapin, not like this. Hindi talaga.

Paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko kung minsan, baka kasi nananaginip lamang ako. Baka kasi binabangungot lamang ako. Baka isa lamang itong masamang panaginip. Pero dahil alam kong bukas na ang araw ng libing niya, mas lalo akong nadudurog.

Hindi ko alam kung papaano pa ilalabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit-sakit na ng sobra. Bakit kung kailan naman nagmahal akong muli doon naman naging ganito?

Hindi ko na rin alam kung paano magpapatuloy. It's like everything in my life has become so useless since she passed away. She left me, she left me and she will never come back kahit pa ilang beses ko pang hilingin na bumalik na siya.

Ang sakit sakit! Para akong unti-unti na ring namamatay sa loob. Humahagulgol na napayakap akong muli sa unan na mayroon niyang picture. Binigay ito ni Eli sa akin noong araw na inilabas ng hospital ang bangkay niya. Paboritong unan daw kasi iyon ni Blake.

Para na akong mababaliw sa lungkot at sakit. Halos lumuwa na rin ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Alam mo 'yung pinipilit kong matulog, para man lang kahit sa panaginip makita ko siyang muli, mahawakan at makasama, pero bakit kahit sa pagtulog hindi ko siya matagpuan?

Hindi ko siya makita.

It's like she's completely disappeared and I can't really see her again.

Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang humugot ng lakas ng loob, mula sa mga masasayang memories naming dalawa na magkasama. Magmula sa simula, noong gabi na unang beses kaming magkita.

Hanggang sa pangalawang encounter namin sa Baryo Maligaya na hindi ko aakalain noon na siya ang babaeng nakatalik ko noon, at pati na rin ang babaeng araw-araw na nagpapadala sa akin ng messages ay iisa.

Mula umpisa, sa kanya na agad umiikot ang mundo ko, na inakala ko noon na magkakaibang tao, pero lahat ng iyon pala ay Blake lamang lahat.

Siya at siya lamang lahat. Siya lamang palagi.

"If my eyes stole all your words away...can I steal you from the future then?"

"What kind of question is that? Is that another way to say, 'please stay with me for a while? 'Cause am scared to be alone here."

"Tala, wait. Looks like you dropped something, my heart."

"You've got a lot of beautiful curves,"

"Don't start, Blake." Saway ko. Ngunit tinignan lamang ako ng mataman sa aking mukha. "but your smile is my favorite."

"You know, someone told me that kissing is a language of love, would you mind starting a conversation with me?"

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon