Chapter 11

744 49 1
                                    

Tala POV



Habang tumatagal, habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong napapalapit pa kay Blake. Mas lalo ko siyang nakikilala. Lalo kong nagugustuhan ang lahat ng bagay sa kanya, maganda man ito o hindi.

Ewan ko, hindi ko na rin alam sa aking sarili. Pero masaya ako basta nandiyan na siya, makita ko pa lamang na papalapit siya, wala ng humpay sa saya ang aking nararamdaman. Lalo na kapag ngumiti na siya, and when she start a conversation with me, gosh! Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti pabalik.

Iyon bang kahit na ilang beses pa akong magtaray sa kanya, palagi akong nahuhulog sa mga banat niya.

Ang rupok ko na nga yata eh.

Everytime na nagtatama ang mga mata naming dalawa, para bang walang ibang nagma-matter sa akin kundi kami lamang na dalawa.

Minsan nga napapatanong na lamang ako sa sarili ko, normal pa nga ba talaga itong nararamdaman ko? Normal lamang ba na maramdaman ito ng isang kaibigan? O baka higit na roon ang nararamdaman ko para sa kanya knowing na halata naman talagang type ako nito.

Naguguluhan na rin ako. At lihim na umaasa na sana ay magkaroon na ng kalinawan itong nararamdaman ko. Gusto ko kasing malaman kung may pag-asa pa ba akong makawala rito dahil kung meron pa man, tatakbo na ako hanggang sa makalayo.

At kung wala na, hindi ko alam kung paano. I don't think ready na akong pumasok sa panibagong commitment. And I really don't think kung kaya kong sumugal at pumasok sa isang relasyon na babae ang magiging partner ko. I don't think my parents will agree.

Hayyyy! Answers.

I want those answers bago pa man ako tuluyang mahulog kay Blake at maging huli na para makaahon pa. Kaya sa ngayon, wala akong ibang choice kundi magpadala sa agos ng tadhana.

And today, meron kaming camping mula sa lupain nina si Mang Berto. Malapit kasi ito sa ilog kung saan madalas na puntahan ng ilang kabataan kung may gusto mang mag-camping o mag-overnight rito.

Isa pa, masyadong handa ang mga ito dahil bumili pa talaga si Eli at Lexie ng tent mula sa bayan.

Naisipan ko na magandang pagkakataon din ito sa akin para malaman ko ang kasagutan sa aking mga katanungan. Iyon bang magkaroon ng kalinawan lahat ng gumugulo sa aking isipan.

Pero bakit naman ganoon?

Habang naglalakad kami papunta sa nasabing lupain nina Mang Berto ay kanina pa walang imik si Blake na para bang napaseryoso rin ng awra nito. Madalas akong napapasulyap sa kanya pero mababasa sa kanyang itsura na wala ito sa mood at talagang hindi mo makausap.

May nangyari kaya? Tanong ko sa aking isipan.

Hindi ko rin ito nahuhuling napapasulyap sa akin gaya ng kanyang nakasanayan.

Baka masama lang ang pakiramdam. Ani ni inner self kaya hinayaan ko na lamang din muna siya.

Hanggang sa pag-seset namin ng tent, hindi pa rin siya kumikibo. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala.

It really bothers me, to be honest.

I wanted to approach her to ask if she was okay and what was on her mind? That she can tell me anything kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan.

Kaya lang ayaw ko naman na isipin nitong masyado akong umaakto na girlfriend. Right? Baka kailangan lamang niya talaga ng peace of mind right now.

Maybe she's just dealing with something na siya lamang ang tanging nakakaalam and I have to respect that, right? Because not even one of her friends was talking to her either.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon