Chapter 21

618 32 1
                                    

Tala POV



Kanina pa ako naghihintay mula dito sa labas ng bahay nina Mang Berto. Unti-unti na ring dumarami ang mga tao pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang mukha na kanina pa hinahanap ng mga mata ko.



Birthday kasi ngayon ni Mang Berto, halos buong barangay yata ay inimbitahan nito dahil sa dami ng tao na pumunta. Nandito na rin ang Kapitan pati na rin ang ibang opisyalis ng kanilang Barangay. Maraming mga kabataan ang nag-iinuman mula sa loob at labas ng kanilang bakuran.



Kanina pa rin hindi magkanda-ugaga ni Auntie Nora na Auntie ni Blake, dahil siya ang kinuhang tagaluto nina Mang Berto.



Nandito na rin ang magkaibigang Faye at Eli, kasama nila si Lexie na naglilibot para kumustahin at batiin ang ibang bisita, pero si Blake...hanggang ngayon hindi pa rin dumarating.



Napapahinga na lamang ako ng malalim dahil medyo nangangalay na rin ang aking mga paa sa katatayo rito sa labas. Medyo na iirita na nga rin ako sa paraan ng pagtingin ng ibang mga nag-iinuman dito sa may labas ng bakuran.



Kaso ayoko namang masabihang bastos ang pag-uugali para malditahan sila or irapan kaya pinipili ko na lamang na hindi sila pansinin.



Kanina ko pa nga rin hinihila itong skirt ko dahil kung makatingin naman ang mga ito ay para bang huhubaran na ako. Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng taong naka skirt? Tss!



"Tala!" Kusa na lamang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi at para bang biglang nawala ang mga pag-aalala ko nang marinig ang boses na iyon.



Awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan ng kanyang boses. At animo'y slow motion na naglalakad siya ngayon papalapit sa akin habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi.



Her smiles, na patuloy na nagbibigay ng kiliti sa akin at kakaibang pakiramdam. Iyong mga ngiti niyang makalaglag panty. Hehe.



Gosh! At kahit na naka jeans lamang siya at plain black t-shirt eh ang lakas lakas na ng dating niya. Hinayaan lamang din nitong nakalugay ang mahaba niyang buhok na sumasabay sa pagkembot ng balakang niya.



She's so hot. And I can't believe this girl is mine now.



Hindi ko mapigilan ang mapasinghap at mapakagat sa aking labi nang tuluyan itong makalapit sa akin, lalo na noong malanghap ko ang amoy vanilla nitong pabango na palaging kumakapit sa ilong ko.



"I love the way you look at me," bulong nito sa akin bago ako marahan na hinawakan sa aking balakang at hinapit palapit sa katawan niya. "para bang sinasabi ng mga mata mo na kailangan mo ako...forever." Dagdag pa na bulong niya.



Napatawa ako ng mahina bago nagsimula nang ihakbang ang mga paa papasok ng gate.



"I really need you. I need you forever." Cheesy na dagdag ko pa! Napatawa ito ng mahina at pasimpleng kinurot ako sa aking tagiliran.



Sinalubong kami ni Mang Berto kaya naman agad din siyang binati ni Blake at ibigay nito ang regalo para sa matanda.



"Salamat hija. Nag-abala ka pa talaga." Tuwang tuwa naman na pasasalamat ni Mang Berto bago kami nito iginaya papasok ng bahay kung saan nagkukuwentuhan at nag-iinuman sina Lexie, Eli at Faye.



May tatlo silang kainuman pa na hindi ako pamilyar sa mga itsura ngunit sa pagkakaalam ko ay mga kabataan mula rito sa Baryo Maligaya. Dalawang lalaki at isang babae.



Isa-isa silang nagpakilala sa amin ni Blake. Yung isang lalaki ay katabi ni Blake sa kanyang kaliwa, habang ako naman ay nakaupo sa bandang kanan ni Blake, at sa kanan ko rin naman ay si Lexie.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum