EPILOGUE

1K 51 29
                                    

Tala POV



Noong makita ko na straight na ang linya mula sa monitor ni Blake ay kusa na lamang nanlumo ang mga tuhod ko at napaluhod sa sahig, habang patuloy na napapahagulhol sa pag-iyak.

Wala akong ibang magawa kundi ang lihim na manalangin. Wala akong ibang magawa kundi ang ilaban siya at ang sitwasyon na meron kami sa panalangin. Halos ayaw ko siyang tignan dahil alam kong hindi niya ako iiwanan. Alam kong babalik siya. Alam kong panghahawakan niya ang mga pangako niya.

Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiiwan. Kanina lang nangako siya na magkakasama pa kami ng mas matagal. Alam kong hindi niya ako bibiguin. For the last time, alam kong hinding-hindi kami pababayaan ng Maykapal. Alam kong ibabalik niya si Blake at hindi niya tuluyang kukunin sa akin.

Ikakasal pa kami. Nangako siya sa akin eh.

Gayon na lamang ang buong puso na pasasalamat ko nang biglang magkaroon muli ng buhay si Blake. Kahit na medyo mabagal pa ang pagtibok ng kanyang puso, alam kong buhay siya. Alam kong may pag-asa pa.

Mas lalo akong napangawa dahil sa saya na aking nararamdaman.

Alam kong hindi niya ako iiiwan eh. At araw-araw akong nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa miracle na ibigay niya sa babaeng mahal ko, sa babaeng gusto kong makasama habambuhay. Isang himala na hinding-hindi namin kailan makakalimutan, ang mabigyan si Blake ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.

Si Blake ang isa sa nagbigay ng patunay na anuman ang gawing paghahadlang ng mundo, kung hindi mo hahayaan na mangyari ito ay hindi magtatagumpay. Pinatunayan niya na kahit hanggang sa kamatayan, ipaglalaban niya ang kanyang pangako at aming pagmamahalan.

Hindi pa man siya tuluyang nagkakamalay mula sa mala-pigil hiningang pangyayari na iyon na buong akala ko ay mawawala na siya sa akin ng tuluyan, ay hindi ako tumigil sa pagdarasal at pagpapasalamat sa buhay na muling ibinigay sa kanya.

I never left her side even once. Hindi ko siya magawang alisin sa aking paningin. Hindi ko siya magawang iwanan sa kanyang kwarto. Mabuti na lamang at nasa private room siya kaya mayroong sariling CR sa loob, hindi ko na kailangang lumayo para lamang umihi o dumumi kapag kailangan.

Sobrang natakot kasi talaga ako na maulit muli ang nangyaring iyon.

Isang gabi, habang nakatitig ako sa kanyang magandang mukha, ay naisipan kong tapusin ang 'I'm In Love With Ms. Author', ang sinimulan niyang libro kung saan, kaming dalawa ang pinaka-main character. Sarili naming pangalan at kwento, ngunit winakasan ko ito sa isang malungkot at mapait na pagtatapos.

Sa dahilang gusto kong mag-iwan ito ng aral sa lahat ng mga mambabasa, na pahalagahan nila ang oras lalo na kung kasama nila palagi ang mga taong mahal nila sa buhay. Na hindi dapat nila ito binabalewala, gusto kong mag-iwan ng marka sa kanilang mga puso na ang isa sa pinakamahalagang bagay dito sa mundo ay ang ORAS.

Alam kong magugulat si Blake oras na magkamalay na siya dahil ang librong sinimulan niya ay tinapos ko na. Well, it's our story naman eh. Alam kong matutuwa pa s'ya oras na makita niya at malaman niyang tinapos ko na ang kwento naming dalawa, ngunit sa kakaibang ending nga lamang.

Dahil kaming dalawa? Walang ending ang totoong kwento namin. I mean, nagsisimula pa lamang kaming dalawa. At hindi pa rito magtatapos ang lahat.

Blake is a cancer survivor now.

Hindi rin namin alam kung anong nangyari. Naging mabilis ang pagpapagaling niya, naging mabilis ang panunumbalik ng lakas ng pangangatawan niya, na kung sabihin pa ng iba ay isang 'MIRACLE' daw talaga.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon