Chapter 28

459 28 0
                                    

Blake POV


Hindi ko magilang manggigil habang sinisundan ng tingin ang bawat paggalaw ni Tala at pati na rin ang amazed na mukha nito habang tinitignan ang mga naka-display na portraits ng aming pamilya dito sa Villa. Magmula pa kasi ito sa mga Lolo at Lola ko sa tuhod, hanggang sa amin ng mga pinsan ko.

Kung hindi kasi ito mapapatawa ng mahina ay manggigil din siya. Lalo na nang makita nito 'yung mukha noong sanggol pa lamang ako, bigla ba namang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko.

Sakit kaya! Napapa-pout na relakmo sa aking sarili.

"Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala kayaman ang pamilya ninyo, Blake." Humahanga na sambit nito bago muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata.

"But look at you. Sobrang down to earth. Nakaka-proud naman itong girlfriend ko!" Awtomatiko naman na naramdaman ko ang pag init ng magkabilaang tenga ko dahil sa sinabi niya.

Napailing lamang ako habang nakangiti sa kanya. Sa totoo lang kasi, wala namang magagawa 'yung yaman ng pamilya namin sa maraming bagay. Nagiging useless lamang ito. Katulad na lang nitong sakit ko. Kahit na anong yaman pa ng pamilya namin, hindi pa rin kayang bayaran ng pera ang paggaling ko.

Walang magawa ang aming pamilya kundi tanggapin na lamang ito, tanggapin na lahat ng tao ay sa kamatayan din papunta.

Bago pa man tuluyang lumalim ang gabi ay marahan na hinawakan ko si Tama sa kanyang braso.

"I want to show you something." Matamis ang ngiti na sabi ko sa kanya.

I waited a long time for this day. I also spent several years looking for the right person and opportunity for this. At ngayon nga, finally, ay nagkaroon na ng pagkakataon.

Pumunta kami sa paborito kong spot dito sa sa Villa, which is sa loob ng aking kwarto. Kung saan punong-puno ng doodle art ang buong wall ng kwarto na ako mismo ang gumawa.

Malambing na tinignan at muling binigyan ko ng ngiti si Tala nang tuluyang marating namin ang pintuan ng aking kwarto. Napamusyon ako sa kanya na siya na mismo ang magbukas ng pinto.

Napalunok ito ng mariin ngunit sinunod naman ako. Hanggang sa tuluyang makapasok na nga kami sa loob.

Awtomatiko itong napasinghap at agad na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hindi rin nito napigilan ang mapatakip ng kanyang bibig. Lalo na nang makita nito ang isa sa pinakamagandang art na naka-draw sa wall ko.

I smiled with joy in my heart. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang pisngi. Nanatili kami sa ganoong posisyon at sinamahan siya na titigan ang pinakamagandang art na nagawa ko.

Ilang taon ko rin itong ginawa bago tuluyang natapos, 'no? Every summer kasi ay binibigyan ko talaga ito ng oras at importansya. And there was a time when I spent an entire whole summer putting art in my room. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili habang inaalala ang mga araw na iyon.

Iyon kasi ang mga araw na hirap na hirap akong yayain nina Faye at Eli sa paggala dahil abala ako sa aking ginagawa. Ilang beses din nila akong tinanong kung bakit ko iyon ginagawa.

Ang totoo? Hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang tanging alam ko lamang ay masaya akong ginagawa iyon. Hanggang dumating sa puntong naisipan kong i-draw pati na rin ang sarili ko as an doodle art. 'Yung nakaharap sa mismong entrance ng kuwarto kung saan makikita agad kung meron mang papasok dito. Isa pa, iyong mukha ko ang naka-emphasize sa lahat ng art. Aba, syempre, ako ang may-ari ng kwarto, 'no?

But there was something missing in my art so I can't finish it. Isang art na babagay sa mukha ko, sa mismong tabi ng mukha ko. Maraming beses kong inisip at ni-researched kung ano ang bagay na pwedeng babagay sa art na meron ako, but I just got tired. Until I decided to leave it alone at hinayaan na lamang na hindi ito natatapos.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now