Chapter 23: Threat

21.9K 1.1K 468
                                    

Paris' PoV:

"Ate Paris, can you come here? Hinahanap ka ni Dad."

That's the exact message that I received when I woke up in the morning kung kaya't hindi ako nagdalawang-isip na pumunta sa bahay namin.

Umabsent na lang ako for today kahit na Monday ngayon. Alam kong mas mahalaga 'to. Hindi naman ako hahanapin ni Dad dahil lang sa walang kakwenta-kwentang bagay.

When I reached our house, binabati ako ng mga kasambahay na nakakasalubong ko sa daan. They instructed me na inaantay na raw ako ni Dad sa usual place which is ang library.

Hindi ko maiwasang malungkot. Sadly, this place no longer feels home to me. I can't feel the comfort, warmth, and the love that it usually gave to me back then.

I guess, that's really the reality of life.

But sometimes, home isn't just about 4 walls, it can also be about 2 eyes and a heartbeat.

Agad na nagflash sa isipan ko ang mukha ni Taglagas habang nakangisi nang nakakaloko sa akin. Hindi ko napansin na isang ngiti na pala ang nakapaskil sa aking labi.

Napailing na lang ako sa kawalan. Aish. She's driving me crazy. Matalino akong tao pero hindi ko mabigyan ng scientific na explanation ang nararamdaman ko sa kanya.

I need to prepare myself. Walang puwang ang kaba at takot sa dibdib ko kapag kaharap ko na si Dad. He said that to me.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng library.

Agad na sumalubong sa akin ang mabigat na kamay ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko palang ng library. He greeted me by a slap.

Napangiwi ako. His slap stings as hell. Ang sakit. Panigurado akong mamumula 'yon.

"Bakit nyo po ako pinapunta rito?" Pormal kong tanong. Pinanatili kong diretso ang tingin ko sa mata nya. Hindi ko ipinakita na nasasaktan ako sa ginawa nyang pagsampal.

His eyes are burning in rage and fury. Galit sya. Tumataas-baba ang dibdib ni Dad dahil sa mabibigat nitong paghinta.

"Nakaabot na sa akin ang ginawa mo, Paris." Mariin nitong turan. Now, I know why. Hindi na ako magtataka. "Why did you do that to Mister Dela Cruz's son?! Kelan ka pa natutong gawin 'yun sa kapwa mo? You're a firm and educated woman!"

"Nawala ang pagiging high class mo. You're an irresponsible person. I'm disappointed with you."

Napakuyom ang kamao ko. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Kailangan kong lawakan ang pang-unawa ko sa kanya.

I'm sure na nasasabi lang 'to ni Dad dahil galit sya. He didn't meant it all. Wag kang sasagot, Paris.

"That woman is not a good influence to you. I told you na iba na lang ang pakasalan mo."

"Dad, hindi naman po pupwede na hahayaan ko na lang na mabastos ang asawa ko." I guess, I'm wrong. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sumagot.

I gritted my teeth in annoyance nang maalala ko ang ginawa ng lalaking 'yun. Nag-iinit ang dugo ko. Wala akong nararamdaman na katiting na pagsisisi sa ginawa ko sa kanya. That asshole deserves that.

Wala syang karapatan na bastusin at pagbuhatan ng kamay si Autumn o kahit na sino pang babae.

"I protected my wife from that man. He touched my wife without permission. He even tried to punch her." Dagdag ko pa. Pakiramdam ko'y nanlilisik na ang mata ko sa galit. I'm seeing red. This is bad.

Kahit saang anggulo tignan, alam kong tama lang ang ginawa ko.

"Dad, try to imagine it kung mangyari 'yun kay Mom. Wala ka man lang bang gagawin?" Let's put him in my situation. I looked at him intently.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon