Chapter 32: Sweet Paris

19.9K 941 336
                                    

Paris' PoV:

My world stopped spinning. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa at nang mawala na ang lahat ng hiya na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa aking kamay. My hands are trembling. Oh God. How I wish that this is just a dream.

On the other side, I'm relieved lalo na't nasabi ko na kay Autumn ang totoo kong nararamdaman.

I was planning to take her out of a date somewhere in a romantic place. At doon ko sasabihin ang magical words. But it's fine. I guess, ito ang gusto ng tadhana na mangyari.

Ibinalik kong muli ang aking tingin kay Autumn. Mas naging triple ang nararamdaman kong kaba nang makita ko ang kanyang reaksyon. Walang emosyon syang nakatingin sa akin. She's looking at me intently na para bang inaanalyze ang buong pagkatao ko.

Fuck it. Mali ba ako ng sinabi? What if hindi na maging comfortable sa akin si Autumn? She'll probably get awkward when she's with me.

I think, kailangan kong bawiin ang sinabi ko.

I faked a cough. "I'm just kiddi——"

"Ah, okay."

Parang nabingi ako bigla dahil sa sinabi nya. "Huh?" Tama ba ako nang pagkakarinig? O baka naman gawa-gawa lang 'yun ng isip ko?

"What is it?" Nakakunot-noo nitong turan. She crossed both of her arms on top of her chest. "May ine-expect ka pa bang ibang sasabihin ko?"

"W-Wala naman." Actually, meron.

Napaiwas ako ng tingin. I'm expecting her to say something. Katulad nga ng sinabi ni Rayleigh, it's either magiging happy-happy kaming dalawa o madadagdag si Taglagas sa listahan ng kaibigan ko.

For now, alam kong mas mataas ang possibility ng second option.

Maybe, Autumn didn't reject me because she doesn't want to cause any harm and concern between us.

I heaved a deep sigh. So many maybes and what ifs are going inside of my head. Ang hirap maging overthinker. 

"Good. Then start driving now." Napaayos ako ng upo dahil doon. Hindi ako nagdalawang-isip na sundin ang sinabi nya.

I quickly turned on the engine of my car at nagsimula nang magdrive papunta sa restaurant na napagdesisyunan naming puntahan.

Through the whole ride ay tahimik lang si Autumn. The tension between us is too thick. Natetense tuloy ako. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili pero hindi ko talaga kaya.

Panaka-naka kong sinusulyapan si Taglagas. Diretso lang syang nakatingin sa labas. Because of that, mas naclear ang isip ko para mag-isip.

Aish. She's probably thinking that I took advantage of her. Should I avoid Autumn? Baka sakaling mawala ang feelings ko.

"Why do you love me, Paris?" Autumn said out of a sudden.

Mabilis na napapreno ako. "Fuck it! Why did you suddenly stopped?!" She exclaimed.

I turned to her side. Agad na sumalubong sa akin ang kanyang magandang mukha. Magkasalubong ang dalawa nyang kilay at hindi na maipinta ang kanyang mukha. I noticed that her face is a little bit red.

Uh-oh. Hindi nga pala sya nakaseat-belt kanina. For sure na tumama sya sa may harapan ng aking sasakyan.

"Sorry na. Nagulat kasi ako sa tanong mo." I reasoned out. Busy ako sa pagdadrive tapos sasabihin nya 'yun? Hmp.

"My face hurts, you know?" She quickly smacked my shoulder. Napangiwi ako dahil doon. Nako po. What should I do now?

Itinabi ko muna ang sasakyan. Patuloy pa rin sa pagsasalita si Autumn sa tabi ko.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon