Chapter 29: Realizations pt. 2

20.8K 942 361
                                    

Paris' PoV:

"What seems to be the problem, Miss President?" Tanong ni Sasha. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala sya sa loob ng aking office.

"It's nothing serious." Simple kong turan. Itinuon kong muli ang aking tingin sa hawak-hawak kong cellphone.

Napahilot ako sa aking sentido. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga larawan na inupload ni Taglagas sa kanyang facebook account. It's all over the internet. Kada mag-iiscroll ako sa Facebook ay 'yun ang nakikita ko.

People are making a fuss about it. Marami ang nagulat. At marami rin ang gustong makasagap ng chismis.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. I wonder kung anong pumasok sa kanyang isipan at napagdesisyunan nyang ipost ang mga 'yun.

I know that she has her reason. Hindi nya gagawin 'yun kung wala lang. Later, I'll ask her kapag nasa bahay na kaming dalawa.

On the other side, I was relieved lalo na't hindi kita ang buong mukha ko. We're in an intimate position. Wala kaming suot na kahit na anong damit at tanging comforter lang ang tumatakip sa aming katawan.

I guess, this is the time that we first made love to each other. Gusto kasi ni Autumn ng souvenir kaya nagpicture kaming dalawa. Hindi ko naman alam na ipopost nya pala 'yun.

I snapped into reality nang marinig kong may mga yabag na papunta sa aking direksyon. Mabilis akong tumayo at tumabi sa kaibigan kong prenteng nakaupo ngayon sa couch.

Mabuti na lang at nandito sya. I don't want to be left alone with this woman. Ayokong magalit si Autumn. Ayokong nag-aaway kami ng asawa ko. May isang salita ako.

Mukhang nagulat si Sasha sa ginawa ko. It was evident on her face.

She faked a cough. "By the way, Miss President, the granddaughter of Mister Romanov is coming to this University in the next 5 days."

"What? Bakit ngayon lang nakaabot sa atin ang balitang 'yan? We should make an exclusive welcoming for her." It's much better to gather the Student Council members at nang masimulan na ang pagpaplano.

Kailangang gawing magarbo lalo na't base sa pagkakaalam ko, sya ang susunod na magmamanage ng University na iyo.

"No need for that, Miss Paris." Saad ni Sasha at umiling-iling pa. "Based on what I've heard, her granddaughter doesn't want any celebration for her arrival. She wants to keep her identity hidden to almost all of the students."

Napatango-tango ako dahil doon. Hmm... Okay. I'll respect her decision. I won't push the welcoming anymore. Makikipagcoordinate na lang ako sa Dean kung anong pwedeng gawin sa kanya."

"You can leave now, Sasha. Thank you for informing me." Isang maliit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

I can see that she wants to say something to me. Itinungo nya ang kanyang ulo at tuluyang lumabas na.

"Is that true, Rayleigh?" Tanong ko sa babaeng prenteng nakaupo ngayon. She boredly looked at me.

"Yep. Ate said na babalik na uli rito si Celine." Walang kaabog-abog nitong turan. Hindi ko maiwasang magtaka. It's kind of weird. This is my first time to see her in this state.

You're probably wondering kung sino ang isang 'to, well, this woman infront of me is one of the closest friend to my heart. She's Rayleigh Sean Cervantes. She came from an influential family too.

Matagal ko na syang kaibigan to the point na hindi ko na matandaan kung kelangan nagstart ang friendship namin.

We're completely opposite. Napaka-energetic nya at laging nakangiti. Unlike me na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon