Chapter 43: Confrontation

14.9K 860 252
                                    

Autumn's PoV:

"Dito pala nakatira ang Galis na 'yun." Here I am, standing in front of a building na hindi familiar sa akin. Na-disappoint ako sa nakikita ko.

Tsk. Bakit hindi man lang sa isang high-class condominiun nakatira ang isang 'yun? It suits her because she's a cheap human being. Hindi talaga sila bagay ng asawa ko.

I already informed my parents na dito ako pupunta. Para if ever man na may mangyari sa akin, ang isang 'yun ang malalagot.

Agad akong pumasok sa loob at sumakay sa elevator. Hindi ko na kailangan pang magtanong sa front office kung nasaan ang room ng Louise Galis na 'yon dahil the private investigator that Mommy Allyson hired has already gave me the documents that I will need.

Halos lahat ng information ay naroon para malaman ko kung ano ang background ni Louise Galis.

It says na mas mayaman talaga ang family namin kaysa sa kanila. His Dad's a dangerous man based from what I read because marami na syang naipapatay na mga kaaway at mga taong may atraso sa kanya. Kaya siguro takot si Mister Leviere sa lanya.

*Ting!*

Maya-maya pa ay nakarating na rin ako sa floor ng kanyang condo unit.

Room 707

Yes, medyo similar doon sa cellphone number na nagtetext sa akin dati. Kind of weird.

I quickly knocked on the door. I keep on knocking hanggang sa mabulabog ko ang ugly sleep ng Galis na 'yon.

It's 7 o'clock in the morning. That's the perfect time para mailabas ko ang galit at inis ko sa kanya. Mas maaga, mas maganda. That's a great way to start her day.

Katulad ng sinabi ko dati, hindi ako magluluksa sa pagkamatay ni Paris. Nararamdaman kong buhay pa sya. Hindi ako naniniwala na patay na sya hangga't hindi ko pa nakikita ang kanyang katawan.

Ginawa kong kwintas ang kanyang ring na nakuha ko sa kanyang sasakyan. In this way, parang nararamdaman ko na rin na kasama ko sya.

I snapped into reality nang marinig ko ang langitngit ng pintuan. I smirked. Effective ang ginawa ko.

"What do yo——"

Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita. Agad kong idinampi ang aking palad sa kanyang pisngi. I slapped her really hard. 'Yung tipong maalog ang buong utak nya. Masyado na kasing ilusyunada ang babaeng 'to.

*Paak!*

Halos tumabingi ang mukha ni Louise Galis. But no, hindi pa ako tapos, In fact, nagsisimula pa lang ako that's why she really need to prepare herself.

"This one's for trying so hard to ruin our relationship." I slapped her other cheeks. Kailangang pantay. Panget na nga sya, mas lalo pa syang papanget kung hindi ko inaayos ang pagkakasampal ko.

"Damn." She cursed. Halatang-halata sa mukha nya ang sakit. Namumula na agad ang kanyang mukha.

"What do you think you're doing, bitch?" Tinapunan nya ako ng masasamang tingin pero wala ng effect 'yun sa akin. 

"Greeting you in a bitch way." I gave her a mischievous smirk para mas lalo syang mainis. At hindi nga ako nagkamali dahil mas lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha.

I didn't know na may isasama pa pala 'yun. Matamang tinapunan ko sya ng tingin. 

There's something off. Parang hindi man lang sya naapektuhan sa nangyari kay Paris. Imposible na hindi pa nakaabot sa kanya ang nangyari sa asawa ko. Ni hindi man lang mugto at namumula ang kanyang mata. I'm sure that she didn't cry at all.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon