Chapter 39: Changes

18.5K 856 274
                                    

Paris' PoV:

For the past few days ay mas naging maayos ang relationship namin ni Autumn. She's so sweet and clingy to me. I really think na nakatulong ng husto ang pag-amin namin sa isa't isa.

I can't explain the happiness that I feel whenever I'm with her. I can say na malaki na talaga ang nagbago kay Taglagas simula noong first time na nakilala ko sya.

Kaya lang, hindi ko pa rin maiwasang mabahala para sa amin lalong-lalo na kay Taglagas.

Ilang araw ko nang napapansin na may mga itim na sasakyan na nakapark malapit dito sa bahay namin. At hindi lang 'yun, I can feel that someone's following the both of us.

Hindi pa rin talaga tumitigil 'yung tao na nagtetext sa kanya ng mga threats even though binlock nya na ang contact number na 'yun at nagpalit na rin sya ng sim card.

Kaya as much as possible ay lagi ko syang kasama. Ayokong iwan mag-isa si Taglagas dahil baka mamaya ay may mangyaring masama sa kanya. Mahirap na.

"Are you done?" I asked her. I'm now in front of her classroom. Ramdam na ramdam ko ang mga tinging ipinupukol sa amin ng kanyang mga kaklase.

They're probably wondering kung bakit kami magkasama.

"Yeah." Sagot nya. "Tara, uwi na tayo." Halatang-halata sa boses ni Taglagas na excited sya. Dumukwang sya papalapit sa akin.

"Gusto na kitang pugpugin ng kiss."

Napailing na lang ako sa kawalan dahil sa aking narinig. Hindi ako magrereklamo dahil gusto ko rin namang ikiss si Autumn.

"If that's the case, then bilisan na natin." She quickly clung her arms on me.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot. Iisang sasakyan na lang ang ginagamit naming dalawa. Autumn actually suggested it. At okay na okay naman sa akin 'yon.

Suddenly, she stopped walking, as if she realized something. "Oh wait. May gagawin pa pala ako with Keziah."

Napa-oh ako nang maalala na may gagawin nga pala sila ni Keziah ngayon. She already said it to me na tutulungan nya raw si Keziah with something. Hindi ko lang sure kung para saan. Wala rin akong kaide-ideya sa plan nila.

Anyway, I'll support my wife no matter what it is.

I smiled at her. "It's fine with me. Aantayin kitang matapos."

She tucked a strand of hair behind her ear. She's also moving her body. Autumn's acting like a shy woman. She's so cute.

"Sige. Wag kang mag-alala kasi mabilis lang naman 'yun."

We made our way towards the parking lot na tanging mga rank 1-8 lang ang pwedeng magparking. I'm rank 4 in this University and Penelope Rivas is the rank 1.

"Paris, wag kang aawat ha. Kaya ko 'to." She winked at me. I chuckled. I trust her. Now, mas lalo akong nahihiwagaan kung ano bang gagawin nilang dalawa.

May away bang magaganap?

"I love you." She leaned closer and gave me a quick passionate kiss. Hindi ako nagdalawang-isip na tumugon sa kanyang halik.

"I love you more." I answered.

After that ay pumasok na ako sa aking sasakyan para mabigyan sila ng privacy. Kinuha ko ang aking cellphone. Connected 'yun sa CCTV ng University.

I need to make sure na hindi makakalabas sa iba ang gagawin nila Autumn at Keziah. I need to delete the footage of it.

Maya-maya pa ay nakita kong nandito na si Keziah. They talked for a while. Maya-maya pa ay nakita ko kung paano isinandig ni Keziah ang asawa ko sa isang sasakyan.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon