24: TALK

14 4 3
                                    

Easton's POV

Nagpatawag ako ng training ngayon kasi gusto ko rin makausap si Cael at Yael. Looks like they know a lot about Hope and I am hoping that they can share something interesting about her. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na sila sa headquarters kasama si Dane. Nauna na ako sa kanila dahil wala naman ako masyadong plano ngayon kundi mag-review. Tapos na rin naman ako mag-review dahil may stock knowledge naman ako ng lesson namin. 

"Bakit naman nagpatawag ka bigla ng training? Eh 'di ba exam week ngayon?" saad ni Dane.

"Uy, ano nakain mo Dane at ganiyan ang galawan ha?" saad ni Yael.

Nanatili namang tahimik si Cael. Yael and Cael are identical twins and you would know who is who by the color of their eyes. Cael has the black eyes while Yael has the brown ones. Nakapagtataka na tahimik ito ngayon at malalim ang iniisip. Sa kanilang lahat sa kaniya ako pinakamalapit dahil siya lang ang nakakapansin ng nararamdaman ko.

"Hindi naman training pinunta natin rito eh," biglang sabi ni Cael. Nakatingin na siya sa akin ngayon.

Biglang nawala si Dane at Yael siguro ay kumuha na ng pagkain sa ref ng headquarters. Lagi kong sinisiguradong puno iyon kasi dito na rin ako halos tumira. Pumunta kami sa sala ng head quarter. Nandoon na si Yael at Dane, nanginginain ng mga snacks na nakuha nila sa ref.

"Ano na tol?" saad ni Yael.

"Kayo lang nagkakaintindihan dito. Bakit niyo pa ako sinama?" saad ni Dane.

"Ano alam niyo tungkol kay Hope?" tanong ko.

"Sinong Hope?" saad naman ni Dane.

"Sino pa ba? Edi 'yong ka-internet love ng mokong na 'yan!" saad ni Yael.

 "Ikaw bukambibig ni Hope noong nagkita kami. Reader ka raw niya," sagot naman ni Cael.

"Oh, akala ko ba si ano lang?" saad ni Dane.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Yael. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi na. Hindi na nag-re-reply sa akin eh," sagot ko.

"Easton, sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, huwag si Hope. Huwag mo siyang idagdag sa listahan ng mga babae mo. Makuntento ka na lang doon sa ka-talking stage mo," sagot ni Cael.

"Oo nga, Cap. Bakit ba kasi may gusto kang malaman kay Hope? Para na namin 'yong kapatid at kilala ka namin, Cap. Matalino ka nga 'di ka naman seryoso sa babae. Marami ka nang babaeng pinaiyak. Ginawa mo silang experiment," sagot naman ni Yael.

"I agree, Cap kahit hindi ko gets ang usapan niyo. Tapusin mo muna 'yong doon sa nauna mo bago ka maghanap ng bago. I may not know your reason why are you doing this but girls are not toys, Sebastian. Baka nadadala ka lang sa emosyon at hindi mo naman pala gusto 'yong nakilala mo sa net," saad  ni Dane.

"Wow! Dane! For the first time may sinabi ka ring may sense!" saad ni Cael.

"Dane for president!" asar naman ni Yael.

"Itong mga 'to! Minsan na lang nga magseryoso! Dinog show niyo pa! Panget niyo ka-bonding!" Nag-walk out na si Dane.

"Mauna na ako sa labas mga tol. Mukhang may kailangan kayong pag-usapan," saad naman ni Yael.

Naiwan kaming dalawa ni Cael.

"Figure everything out first, Easton. Saka mo ko kausapin kapag sigurado ka na riyan sa feelings mo. Matanda na tayo para maging playboy ka pa. Pag-isipan mo't may kinakausap ka pa ngayon di ba? Si Kale, kaibigan din siya ni Hope kaya sinasabi ko na sa 'yo na kung talagang sigurado ka kay Kale tigilan mo si Hope. Huwag kang two timer, Captain." He tapped my shoulder and left me dumbfounded.

What should I do? Nalilito na rin ako sa sarili kong feelings. Ayoko na nga na maglaro pero huli na 'to. Masyado na akong maraming babaeng nasaktan at ayoko nang makadagdag pa. Hope looks so pure as Cael said before. She's too pure for me and I don't think I deserve that. I think I should focus more on reflecting my own feelings. I should be more careful than before. Lalo't may may pagkakaibigan na maaaring maapektuhan kapag pinagpatuloy ko pa ito.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon