30: CAEL

10 3 3
                                    

Hope's POV

Katulad kahapon nandito ulit ako sa park. Dito na ako dumiretso kasi ang bigat pa rin ng loob ko. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Kale sa akin pero si Zakiya naman ay pinapansin na ako kahit paano. Pero ramdam ko pa rin ang distansya sa pagitan namin.

Dama ko pa ring nilalayuan niya ako dahil sa nalaman niya tungkol kay Sebastian. Sabi ni Yael unbothered daw iyong lalaki na 'yon. Hindi ko pa nga nakikita sa personal, naiinis na ako. Kahapon niya pa ako chinachat sa IG at Wattpad pero wala akong pake at hindi ko binasa ang mga chats niya. Pakiramdam ko kasi na kapag binasa ko iyon lalo lang lulubha ang hidwaan namin nila Kale.

Habang nakaupo sa swing ay mahina ko itong inuugoy. Sobrang sarap ng hangin at sariwa. I feel like the air is taking away the heaviness I am feeling. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin. Narinig ko ang mga yabag ng paa kaya agad akong dumilat. Natagpuan ko si Cael na papalapit sa akin. Umupo siya sa swing na katabi ng akin.

"How are you?" he said.

"Humihinga pa naman," sagot ko.

"Syempre, kausap pa nga kita oh. Natural buhay ka pa."

"Oh alam mo naman pala eh. Bakit nagtatanong ka pa?"

Sarap talaga barahin nitong si Cael. He's asking the obvious.

"What about your heart? How is that heart doing?" He pointed the left part of my chest where my heart is.

"Ito?" Turo ko sa dibdib ko.

"Oo, iyan," sagot niya.

"It still beats like normal but it hurts so bad," sagot ko.

"Is it because of Captain or is it because of Kale?" he asked sincerely.

"Pwede bang both?" sagot ko.

This time I don't want to fool myself anymore. I want to be honest to myself. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. This is not just about Kale, it's also about him. I feel like the day is incomplete without his notification on my phone. Ilang araw nang may kulang. Sa sandali naming pagkakausap ay parang naging parte na siya ng araw ko.

"I guess you have feelings for Captain," he said.

"Ganoon na 'yon? Feelings agad?" sagot ko.

I can't believe him. Palagi na lang sila nagkakaroon ng conclusion na gusto ko iyong kapitan nila. I am not that naive to fall for the person I met in the internet. Kita mong ganito na nangyayari tapos magkakaroon pa ng ganoong konklusyon sa mga utak nila.

"Bakit ang defensive mo? Tinatanong lang naman kita," sagot niya.

"Ayoko kasi ng mga tanungan mo. Hindi ko kayo bet 'no!" sagot ko.

"Aray naman! Sinasaktan mo naman ang feelings ko!" Umarte pa siyang parang namimilipit sa sakit.

"Ewan ko sa 'yo!" sagot ko.

"Kidding aside. Take your time to process everything. Pareho kayo ni East na hindi maintindihan ang sarili," sagot niya.

"How come? Hindi na ba sila nag-uusap ni Kale?" sagot ko.

"It's not my story to tell but after that moment when you decided not to talk to him, tinigil niya na rin ang pakikipag-usap kay Kale..." sagot niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa narinig. Simpleng impormasyon lang iyon pero ang laki na ng impact sa akin. Kailangan ko malaman bakit niya tinigil.

"Oh siya, mauna na ako! Bye!" Naglakad na siya palayo sa akin.

"Hoy! Wait!" sigaw ko na hindi naman na niya nilingon pa.

I need to know what he meant by that. I need to know why he stopped talking to her. Hindi ko na hinabol si Cael kasi sa sobrang tangkad niya sobrang bilis maglakad. Umuwi na lang ako sa bahay para alamin ang totoong dahilan ng hindi pag-uusap ni Sebastian at Kale.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon