51: IDEA OF COURTSHIP

10 2 0
                                    

Easton's POV

"Hope, what's your idea about courtship?" I asked.

One of the questions I badly want to ask to her. Writers like her are deep thinkers kaya isa ito sa mga tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kung anong idea niya sa panliligaw.

"Courtship... For me it's like a test. Doon sa test na 'yon talagang masusubok ang pasensya at pag-iintindi noong taong nanliligaw sa 'yo. Saka doon mo rin makikita kung ready na ba talaga 'yong tao sa commitments and if he or she is loyal to you. Kasi doon mo i-bu-build 'yong trust noong girl or guy sa 'yo," sagot niya.

"She? You mean pro ka sa panliligaw ng girls? Hindi ba mukhang ang low noon?" I countered.

"It depends. Magkaiba ang pursuing at begging. Kapag nakita mong nagmamakaawa na sa 'yo 'yong babae, ikaw na mismo ang magsabing tama na. Hindi 'yong papanoorin mo pang magmakaawa sa 'yo."

Natahimik ako sa narinig na sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang ganitong sentiments mula sa isang babae. I knew it! She has a lot to say! Nakita ko na 'yon sa novels na gawa niya and she's one of a kind. She's not the usual girl you will find.

"Ikaw ba? What's your idea about courtship?" she said.

"For me it's like a way to get the girl's heart. Like establishing bond and trust. Kaya nga hindi ako basta-basta nanliligaw kasi baka parehas pa kaming maligaw," sagot ko.

"Y-You mean wala ka pang naging girlfriend?" she answered na para bang gulat na gulat.

"Oo. Kahit niligawan wala pa. To be honest, nakikipag-fling ako pero hindi kami nauuwi sa ligawan." Uminom ako sa frappe ko.

Sa kaniya lang ako nakapag-open ng ganito saka kay Cael. I want to be open to her about my past. This is part of her getting to know me better. Iyon na ang nakilala ng tao sa akin eh pero hindi nila alam na mapili lang talaga ako.

"Si Kale, bakit di kayo nagkatuluyan?" sagot niya.

"At first we're flings. Sa ganoon kami nagsimula but after I talked to you I decided to cut it off kasi feeling ko mali," sagot ko.

"Ikaw! Grabe sinaktan mo kaya siya!"

"I know kaya nga nahihiya ako sa sarili ko eh."

Totoo naman. Nakakahiya naman kasi 'yong ginawa ko at alam kong hindi deserve ni Kale ng katulad ko. I know she deserves more kaya hindi ko na tinuloy but it doesn't mean na lusot na ako sa kasalanan ko sa kaniya. I am still at fault and I want her to know that I am still learning. Hindi naman agad-agad kong makukuha ang loob niya. Lalo sa pinakita kong pag-uugali.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon