27: SOMETHING'S WRONG

11 3 3
                                    

Hope's POV

Akala ko si Sebastian lang may problema, sila Zakiya rin pala. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko lumalayo ang loob nila. Parang iniiwasan nila ako sa hindi ko mawaring dahilan. Hindi ko naman sila makita ngayon kasi iniwan nila ako sa canteen. 

"Bakit ikaw lang mag-isa?" tanong ni Dane na napadaan sa may table namin. 

Kasama niya sila Cael na may dalang pagkain. Nakilala ko siya sa mga pictures na naka-post sa instagram ni Yael. Sila lang naman madalas kong nakikita kaya rin siguro hindi ako familiar kay Sebastian na team leader pala nila.

"May ipapasa pa raw kasi 'yong mga kasama ko kumain..." pagsisinungaling ko. Basta na lang kasi ako iniwan ng dalawa na 'yon dito sa canteen. Hindi man lang nagpaalam sa akin.

"Dane, Yael, mauna na kayo. Sasamahan ko na lang si Hope. Sabihin niyo kay Captain sunod na lang ako," Cael said.

"Okay. Bye, Hope!" paalam ni Yael.

"Bye, Miss Hope!" paalam ni Dane na kinawayan ko na lang.

Wala pa akong nabiling pagkain kasi akala ko ay babalik agad sila pero ilang minuto na ang lumipas wala pa rin sila. Inilagay naman ni Cael sa harap ko ang binili niyang sandwich at juice.

"Kumain ka na. Baka matagalan pa 'yong mga friends mo," he said.

"Hindi na. Nakakahiya naman," sagot ko.

"Sige na. I insist. Sigurado naman akong may extrang dalang pagkain si Yael sa room," sagot niya.

Wala akong nagawa kundi ang kainin ang sandwich na binigay niya dahil humaba na rin ang pila sa bilihan ng pagkain saka nagugutom na rin ako. Pinapanood lang niya ako na kumain ng sandwich na binigay niya. 

"May nangyari ba sa inyo?" he said.

Umiling naman ako dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong matandaan na nangyari sa amin nila Kale para iwasan nila ako.

"Sure ka? Bakit parang may nangyari? You know you can be honest with me," sagot niya.

"Everyone's distanced to me, okay? And I don't know why. Nagsimula talaga iyon kay Sebastian tapos nagsunod-sunod na," sagot ko.

I honestly don't know why but I know something's wrong and I think it's about Sebastian because I remembered that Zakiya noticed similarity in the typing style of Sebastian and their classmate which turns out to be true. Siguro iniisip nila na may something kami ni Sebastian habang nakikipag-usap sa isa sa kanila.

Hanggang matapos ang recess namin ay sinamahan ako ni Cael at hinatid pa sa room namin. Ang talim ng mga tingin sa amin ng classmates ko kasi akala yata may something kami. Hindi naman maipagkakaila na gwapo 'tong best friend ko. Sorry sila wala namang something going on sa amin.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon