29: I DIDN'T KNOW

10 3 2
                                    

Hope's POV

Hindi ko naman alam na 'yong si Sebastian East at ang kausap ni Kale ay iisa. If I only know sana umiwas na ako. Hindi ko naman alam na ganoon nga until last week. Noong nakausap ko sa instagram si Sebastian Easton doon ko lang napagtanto na siya ang kausap ni Kale. Nasabi naman na nila sa akin 'yon.

What can I do? The damage has been done. I just can't help but to feel sad that they already made their minds. Para namang ang laki ng kasalanan kong hindi ko nalaman agad ang bagay na 'yon. After school I decided to go to the park where I can rest my mind for a bit and think about what happened last night and earlier.

"Mabigat na naman kaya ka nandito 'no?" Umupo si Yael sa katabi kong swing. Nalaman kong si Yael siya dahil sa kulay ng mata.

"Bigat. Porque ba bago ako ang bilis na nila ako husgahan..." sagot ko.

"Paano ba kasi kayo nakarating ni Captain sa ganoon? Ano ba talaga kayo?" sagot niya.

"W-Wala. Wala naman. Reader ko lang siya, 'yon lang." Hinawi ko ang aking buhok na hinangin.

Naka-uniform pa rin ako hanggang ngayon kasi kapag umuwi ako sa bahay na mabigat ang loob ko makakaapekto pa 'to sa mga tao roon. Ayoko naman pagbuntunan sila ng sama ng loob ko.

"Hope, huwag mo na kausapin ulit si Captain. He won't do any good on you. Gusto mo na ba?" sagot ni Yael.

"Parehas naman kayo ng sinasabi ni Cael eh. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong hindi?" sagot ko.

Nakukulitan na ako sa kambal na 'to eh. Paulit-ulit parang sirang plaka.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakikita si Captain. Sinasabi ko sa 'yo, makalaglag panty ang kagwapuhan no'n pero para sa kaniya, eksperimento lang ang mga babae. Daig niya pa si Albert Einstein," sagot niya.

"Kahit magkita kami, hindi ko type ang gamers. Mag-aaway lang kami kasi parehas kaming walang oras sa isa't isa!" sagot ko.

"Huwag ka magsalita ng tapos, baka mamaya kainin mo lang din yang sinabi mo," sagot niya.

"Bahala ka nga diyan!" Tumayo na ako sa swing at iniwan siya roon.

Hinawakan naman niya ang braso ko para mapigilan akong maglakad palayo.

"Give them time to accept. Hayaan mo sila mag-reflect. Ma-re-realize rin nilang mali sila." Binitawan niya ang braso ko.

Tumango lang ako at iniwan na siya sa park.

Pumunta nga ako doon para kalimutan ang asungot na 'yon pero heto namang si Yael panay kwento. Umuwi na lang ako sa bahay kasi hapon na rin at malapit na mag-dinner. Baka hinahanap na rin ako ni Mama kaya kailangan ko na makauwi.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon