60: HER ONLY EXEMPTION

7 2 1
                                    

Hope's POV

Today is Seb's championship. Ngayon 'yong last round ng laro nila and it's against another famous university. They are always the rivals every championship pero lagi nila iyong natatalo. They are the four time defending champions of these league. Hindi ko sinabing manonood ako ng laro nila. Ang sinabi ko lang ay may gagawin ako ngayon kaya hindi ako makakapunta.

Halos 3 months na rin nang manligaw siya sa akin. Kinunsulta ko si Papa kung pwede ko na ba sagutin si Seb at walang alinlangan siyang pumayag. Kaya napagdesisyonan kong ngayon iyon sabihin dahil ngayon din ang championship nila. They prepared for this match for almost half of the school year. Nagtitiwala akong makukuha nila ang trophy. Through his leadership skills and the twin's skills mananalo sila.

"Let's go Eastern Eye!!" sigawan ng mga fans nila.

"Uy, 'Te! Makisigaw ka rin! Show your support kay East mo!" saad ni Kale.

"Baliw!" sagot ko.

"Ito naman, ang KJ! Hawakan mo 'to dali!" Kinuha ni Zakiya ang kamay ko at pinahawak ang placard niya na may nakasulat na 'Go get the trophy Eastern Eye!'

Lalong umingay ang sigawan nang umikot ang isang camera. Tumututok ito sa audiences at naghahanap ng avid fan. Hindi pa lumalabas ang players. Pinagdarasal kong huwag tumutok sa akin ang camera dahil gusto ko surprise ito kay Seb. Pilit akong tumatalikod kapag lumalapit ang camera sa pwesto namin.

"Please welcome the players for this championship match!" saad ng announcer.

Lahat ng focus ng mga manonood ay nasa stage na. Nandoon na rin ang mga computers na gagamitin nila.

"The four-time defending champions of this league. The undefeated team from Riverdale University, Roaring Rebels!" Lalong lumakas ang sigawan nang sabihin ang pangalan ng team nila.

Umangat na ang isang podium at iniluwa noon sina Cael, Yael, Dane at syempre si East.

"This is their fourth time facing each other. From the University of Oakleaf, Toxic Thunders!"

Sa kabilang banda naman ay ang miyembro ng kalaban nila. Malakas rin ang hiyawan nang lumabas ang mga ito. Pinakilala na ang players, katulad nila Seb ay apat lang din ang manlalaro sa kabilang grupo.

Nagsimula na ang laro matapos ng pagpapakilala. Sa tuwing nakakapatay si Seb ay nagsisigawan ang mga tao. Kahit na lamang ng isang puntos ang kabilang grupo ay nabawi agad ito sa pamamagitan ng kills ni Cael. Napansin kong napakabilis nilang maglaro. Parehong nagnanais manalo.

Kahit malayo ako kay Sebastian ay nakikita kong medyo tense siya. Tahimik ang crowd at focused ang lahat sa laro. Tanging commentators lang ang gumagawa ng ingay dahil sa pagkokomento nila. Hanggang sa muling umingay ang arena dahil nakapatay na naman si Seb.

"Let's go Seb!!" sigaw ko.

Nakita kong gumawi ang tingin niya sa lugar namin at kinindatan ako. Natawa na lang ako dahil nagsimula na naman ang sigawan ng mga tao.

"East, kalma lang!" sigaw ng isang babae.

"Baka himatayin fangirls mo!" sigaw naman ni Kale.

Natapos ang first half ng laro nila. Sila ang panalo sa unang half. May break sila dahim kasali rin iyon sa mechanics ng laro. Parang technical time out. Pinapaalalahanan lang sila ng coach nila tungkol sa laro. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ulit sila sa gaming chairs nila. Bago umupo ay kumaway pa sa akin si Seb na tinanguan ko lang. Nakita kong gumawi ang tingin ng kambal dito kaya may kakaibang ngisi sa mga labi nila.

"Hope, sigurado ka na ba talaga?" saad ni Kale.

"Oo!" sagot ko.

Nakatago sa loob ng isang bag ang LED placard ko na may nakasulat na ' Eastern Eye, will you be my boyfriend?'

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon