35: ARE YOU SURE?

6 2 0
                                    

Easton's POV

We're getting ready for our next tournament yet my mind keeps flying off my head. Maya't maya ko tinitingnan ang cellphone ko kasi baka nag-reply na siya. Hindi ako maka-focus sa training.

"Captain! Ano ba nangyayari? Kanina ka pa sumasablay sa skills!" saad ni Dane.

"Pasensya na. My bad," sagot ko.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa nilalaro. Sa peripheral vission ko nakita kong nagkatinginan si Cael at Yael.

"Break muna tayo! Baka wala sa focus itong si Easton!" saad ng coach namin.

Tumayo na ako at lumabas saglit ng headquarters para magpahangin. Nakita kong nakasunod sa akin si Cael.

"East!" tawag niya.

Nilingon ko naman siya bilang sagot.

"Alam ko namang si Hope ang dahilan niyang paglipad ng utak mo eh," saad niya.

Hindi na lang ako kumibo. Parang may radar kasi ito sa loob ng utak niya na nababasa niya ang mga iniisip ko.

"Alam mo kung gusto mo talaga siya, bigyan mo ng assurance. Hindi yung tatanga ka na lang diyan at hihintaying mamuti ang uwak," saad niya pa.

"What's with the words of wisdom?" sagot ko.

"Ganoon ba talaga? Lahat nagiging tanga sa pag-ibig? Ang talino mo pero hindi mo gets 'yong sinabi ko," sagot niya.

"You want to say earlier that I should give her assurance that I like her. How can I give her that assurance if I already failed to give her faithfulness at first? Nahihiya ako sa sarili ko, tapos ngayon 'di niya pa ako kinakausap." Ginulo ko ang buhok ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin.

"Wow! First time kang nahiya sa sarili mong kalokohan!" sagot niya.

"Huwag mo kong umpisahan," sagot ko.

"If you are ready, meet her. Sasamahan ko na lang siya para at least di matakot makipag-kita." He suggested.

"Are you sure it will work?" sagot ko.

"It will! When do you want?"

"Next week, after our tournament," sagot ko.

"Okay!" Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.

Bumalik na rin ako sa loob para ituloy ang practice. Paghahandaan kong mabuti ang tournament na 'to kasi pagkatapos nito ilalaan ko na ang lahat ng oras ko para suyuin siya.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon