47: SAY IT

6 2 2
                                    

Easton's POV

I can't stay still! After noong chat niya kanina di na siya ulit nag-reply pa sa messages ko. Baka lalo ko siyang ginalit kasi kinulit ko pa siya ng messages simula umaga hanggang gabi. Nagsimula na ang class namin ngayon pero wala sa tinuturo ang atensyon ko.

Namalayan ko na lang na tapos na ang klase nang tumunog ang bell. Isa-isang naglabasan ang mga kaklase ko at lumapit naman sa akin ang teammates ko.

"Pre-occupied ka kanina pa ah," puna ni Cael.

"Halos hindi ka sumasagot sa recitation kanina," saad naman ni Dane.

"Oo nga, Captain. Ano ba nangyari?" saad ni Yael.

"Wala!" sagot ko.

"Meron 'yan, di lang nagsasalita!" saad ni Yael.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa canteen.

"Siguro 'di na naman siya pinapansin ng laloves niya," asar ni Dane.

"Ah 'di siya pinapansin ng manunulat niya!" saad ni Yael.

"Sira!" sagot ko.

"Tinatamaan din pala 'to ng pag-ibig. Akala ko puro na lang pagloloko bubuhay sa kapitan natin eh!" saad ni Dane.

"Kung tinutulungan niyo ako mag-isip edi good tayo!" sagot ko.

Umupo na kami sa usual place namin nang makuha na ang mga pagkain. Hinahanap ko ang pwesto nila Hope pero hindi ko makita.

"Bihira sila mag-lunch dito sa loob. Palagi 'yon nasa umbrella kasi doon malapit 'yong room nila," saad ni Cael.

"A-Ah okay." Nagsimula na akong kumain para hindi na masundan pa nila Yael ng kantyaw.

"Ano ba kasi problema niyo na naman?" saad ni Yael.

"Nakulitan 'ata sa akin, di na ako kinausap," sagot ko.

"Bakit?" sagot ni Dane.

"Umaga, may good morning message. Tanghali, may eat your lunch message. Tapos sa gabi meron pang good night at eat your dinner!" sagot ni Cael.

"Paano mo naman nalaman 'yon?" sagot ko.

"Aba syempre! Professional chismoso kaya ako!" sagot ni Cael.

"Oh? Akala ko ba mais 'yon?" sagot ni Dane.

"Ginawa niya 'yon?!" nagugulat na saad ni Yael.

"Oo! Gagi!" sagot ni Cael.

"Bugok kayo! Kung tinutulungan niyo ako edi sana happy tayong lahat!" sagot ko.

"There's one thing you can do para mapapayag mo siya," seryosong saad ni Cael.

Natahimik si Yael at Dane nang sabihin niya iyon.

"What?" sagot ko.

"Say it. Sabihin mo 'yong gusto mo sa harapan mismo niya kasi kung through chat mo lang sasabihin hihindi talaga siya. Kasi si Hope alam niya kung paano tumatakbo ang mga salita lalo na kung nasa screen lang. She's not like others na nakukuha mo sa pa-chat-chat lang."

He's right. Maybe kapag sinabi ko sa kaniya ng harapan baka bigyan niya ako ng chance. I seriously want to prove myself to her and I think siya na 'yong babaeng para sa akin. Kasi nagagawa ko na 'yong mga hindi ko magawa before para sa kaniya and I'm happy for what I am doing right now.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon