56: ASSURED

6 2 0
                                    

Hope's POV

Inaya ako ulit ni Seb ng date. Napapadalas ang labas namin kasi tapos na ang hell week at patapos na ang school year. Parehas na kaming hindi masyado busy though siya ay may training pa rin kasi parating na 'yong semis ng tournament nila. Puspusan ang pag-pre-prepare nila kasi they want to defend their throne. They remain undefeated this season.

The last two season ng laro rin nila wala pang nakatalo sa kanila. Minsan sinasama niya ako sa training nila, pinapanood ko lang sila maglaro.

"Anak, saan ka pupunta?" tanong ni Papa.

"Ah, susunduin po ko ni Seb, aalis kami," sagot ko.

Binigyan ako ng mapanuring tingin ni Papa. Mukhang 'di niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Napapadalas ah..." sagot niya.

Tinawanan ko naman si Papa. "Si Papa talaga! Hindi ko po boyfriend si Seb!"

"Ay nako, anak! Sa akin ka pa magpapalusot eh ganiyan na ganiyan rin ang Mama mo noon!" sagot niya.

"Hindi pa naman po talaga!" sagot ko.

Nahinto lang ang biruan namin ni Papa nang may huminto na kotse sa tapat ng bahay namin.

"Ayan na pala ang masugid na manliligaw ng dalaga namin!" saad ni Mama.

Napailing na lang ako sa sinabi niya at lumabas para salubungin si Seb.

"Seb, pakita ka muna kila Mama at Papa bago tayo umalis," saad ko.

"Sure!" sagot niya.

Pumasok muna kami sa loob. Kilala naman na nila siya kasi noong nakaraan ay sinamahan pa siya ito ng kambal.

"Kumusta ka na ijo? Napapadalas 'ata ah!" saad ni Mama.

"Okay lang po, Tita. Eh syempre po, sinusulit ko po na libre po ako kasi po baka ma-busy na ulit. Ma-miss ko po si Hope!" sagot niya.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. Ang lakas naman ng apog niya lumandi sa harap ng parents ko.

"Ijo, magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo. Baka mamaya hindi ka naman pala seryoso sa anak ko ah," saad ni Papa.

Matapang na tiningnan ni Seb si Papa. "Sigurado na po ako sa anak niyo. Kasi po hindi niya po deserve ang hindi siguradong tao sa buhay niya."

Woah... This is the first time someone had the gut to tell they're sure of me. Hindi ko pa naranasan 'to sa buhay ko. He's really something! Siya na ang nagpaalam kila Mama para sa akin.

Sabi niya ay magpupunta raw kami sa isang coffee shop na may bookstore sa loob. We can read books free and they serve good coffee. Malayo-layo nga lang dahil sa Tagaytay pa iyon. Bumiyahe na agad kami para hindi ma-occupied ang time namin sa daan at mas mapahaba ang oras namin sa coffee shop.

ROTIS #1: The Gamer's Writing Addiction| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon