CHAPTER 3

9.6K 327 192
                                    

Riley's

"Good luck na lang sayo", natatawang saad ni Ivy at nagtawanan sila ni Andrei.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?", iritadong tanong ko at inirapan silang dalawa. Kanina pa nila ako inaasar simula nung ikwento ko sakanila na si Ma'am Chiara yung magiging coach ko para sa contest.

Nagyaya naman 'tong si Andrei sa gimikan kaya nandito nanaman kami sa club. Balak ko lang talagang uminom ngayon at ganon din sila.

"Pero malay mo naman bumait sayo si Ma'am Chiara, diba?", sabi ni Ivy sabay inom sa hawak niyang bote.

"Mukha namang walang kabaitan sa katawan yon si Ma'am, kahit nga ngumiti hindi ko pa siya nakita", sagot ni Andrei.

"Eh bago palang eh, malay naman natin diba?", sagot naman ni Ivy sakaniya.

"Well, let's see", sambit ko kaya pareho nila akong nilingon.

"Pustahan tayo oh", rinig na rinig pa sa boses ni Ivy yung paghahamon.

"Anong klaseng pustahan ba yan?", tanong ni Andrei at muling nagbukas ng bote ng alak.

"Kapag bumait si Ma'am, magiging human wallet kita ng isang taon!", sagot ni Ivy sakaniya bago siya tumawa ng malakas. May tama na din 'to eh, kanina pa kami nandito at nakakaraming bote na din siya.

"Aba, sinasabi ko sayo Fern Ivy, hinding hindi babait yon si Ma'am. Kaya kapag ako yung nanalo, ikaw naman yung magiging human wallet ko", sabi ni Andrei at uminom sa hawak niya.

"Deal!", nagkamayan pa sila kaya naiiling nalang ako.

After pa naman ng recollection ako magsisimulang i-coach ni Ma'am. Sabi ni Dad dapat maging komportable muna ako sakaniya at gamitin yung chance next week para mangyari yon. Ang tanong? Magyayari ba yon?

Gayong alam kong may nangyari saamin ni Ma'am, sigurado talaga ako na siya yon. Marahil ay umaakto lang siyang walang alam dahil nahihiya siya? Kasi hindi niya inexpect na estudyande niya ako at anak pa ng may ari ng school kung saan siya nagtatrabaho.

Hindi ko patatagalin yung pagpapanggap na ginagawa ni Ma'am, malalaman ko din na nagkukunwari lang siya.

Habang kinakausap nga kami ni Dad sa office niya kanina parang bored na bored si Ma'am. Hindi ko masabi kung napipilitan lang ba siya o ewan eh.

Nakaisang bucket pa kami ng alak hanggang sa ako na mismo ang nagyaya sakanilang umuwi. As usual, sa condo ko nanaman sila tumuloy.

Maaga akong gumising para magluto kasi alam kong parehong may hangover yung dalawa, halos sila lang umubos ng mga inorder namin kagabi pano man.

"Ang sakit ng ulo ko, hindi na talaga ako iinom", reklamo ni Andrei habang hinihilot yung sintido niya.

"Sinabi mo din yan nung nakaraan", walang lakas na sabi ni Ivy habang pilit inaabot yung bowl of rice.

"Bilisan niyo na kumain para makainom na kayo ng gamot, iiwanan ko talaga kayo kapag di pa kayo natapos", banta ko sakanila kasi maaga din yung klase namin ngayon.

Mukha namang natakot silang maiwan kaya mabilis silang kumilos, ewan ko nalang talaga kung makapagfocus sila mamaya sa klase. Mukha silang mga zombie na ewan.

Nang makarating kami sa University ay pinauna ko na sila sa klase kasi pinatawag ulit ako ni Dad sa office niya. Habang naglalakad ako ay may nakita akong magandang kulitin ngayong umaga.

"Good morning Ma'am!", nakangiting bati ko nang mapantayan ko na siya. Nilingon niya lang ako at mas binilisan maglakad.

Grabe, mas lalong gumaganda si Ma'am. Aakalin mong nasa langit ka eh, anghel ba naman yung makita mo sa ganitong kaaga.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon