CHAPTER 6

8.6K 332 246
                                    

Riley's

Halos malaglag ako sa kama dahil sa gulat nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kanina.

Kahit antok na antok pa din ako ay pilit akong bumangon para alamin kung sino ba yung pisteng nang-istorbo ng tulog ko.

"Ano bang kailangan mo!?", iritadong tanong ko nang makita si Ivy.

"Aba, kagigising mo lang? Dinner time na teh, bumaba na tayo", sagot naman nito.

"Dinner? Anong oras na ba?"

Halos maduling naman ako nang itapat niya sa mukha ko yung cellphone niya. 7:56pm na, ang tagal ko yatang nakatulog.

"Oo na, una kana sunod na'ko", walangbuhay kong isinara yung pinto, may sinasabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan. Naghilamos lang naman ako, nagbihis at nag ayos ng konti saka ako bumaba sa cafeteria. Nandito na nga lahat ng kaklase ko, nagsisimula na din silang kumain.

"Hoy manok dito!", sinamaan ko naman ng tingin si Andrei dahil sa itinawag niya saakin saka ako lumapit sakanila ni Ivy.

"Ang tagal mo naman, nagpaganda ka pa kasi", sabi ni Ivy habang nakakaloko kung ngumiti.

"Hayaan mo na, nagpapacute lang yan kay Rafael", sabi naman ni Andrei bago sila nagtawanan.

"Ewan ko sainyo, mabulunan sana kayo", sagot ko nalang at lumingon sa puwesto ng mga Prof.

"Nasan si Ma'am Chiara?", tanong ko kasi apat lang sila sa table nila.

"Hindi ko alam, pagpunta namin dito apat na lang talaga silang nandun eh", sagot naman ni Ivy.

Nasa room niya kaya siya? Naalala ko na lasing siya kanina eh.

"Bakit mo hinahanap?", tanong naman ni Andrei habang nakangiti na parang aso.

"Ay wala 'to, two-timer", dagdag pa niya kaya nahampas ko na siya sa balikat.

"Aray naman, nagbibiro lang yung tao eh", reklamo nito habang parang bata na hinihimas-himas yung braso niya.

"Gusto mo bang tanungin ko si Miss Andrea?", nakangiting saad ni Ivy kaya inirapan ko siya.

"Hay nako wag na, gagamitin mo pa ako para makausap si yang crush mo", sagot ko naman na ikinabusangot niya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Anong ginawa niyo kanina?", tanong ko pagkatapos kong kumain.

"Namasyal, nagtake na din kaming pictures para sa photography", sagot ni Ivy at ipinakita sakin yung mga nakuhanan nila.

"Ang daya, hindi nagsama", tugon ko.

"Paano ka sasama eh tulog ka", natatawang sagot ni Ivy.

"Ay oh? Kasama ba 'to sa isusubmit mo?", natatawang tanong ko habang pinapakita sakanila yung picture na nakita ko sa phone ni Ivy. Mukhang patago niyang kinukuhanan ng litrato si Miss Andrea.

"Hoy! Amina nga yan, syempre hindi", sabay hablot niya sa cellphone niya kaya tinawanan ko siya.

"Tara na, gusto ko na din magpahinga, napagod ako kanina", tumayo na si Andrei at nag-inat pa.

"Oo nga, ako nga din", sumunod naman si Ivy.

"Sige, una na kayo", sambit ko kaya sabay nila akong nilingon.

"Hindi ka sasabay?"

"Kagigising ko lang remember? So hindi pa ako aantukin, maglalakad lakad nalang muna ako", tamang tango lang naman sila at iniwan na nga ako. Halatang mga pagod na talaga.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon