CHAPTER 9

7.6K 282 214
                                    

Riley's

...

"Hoy bakla ka, tulala ka nanaman diyan?", walang kagana-gana kong tinignan si Ivy na kararating lang kasama si Andrei.

"Mukhang kailangan na natin ipatingin yan, mahirap na 'to, wala na sa kondisyon yung manok ko", umupo pa si Andrei sa tabi ko at inakbayan ako kaya siniko ko siya.

"Ang aga-aga Andrei De Leon ha, tigilan mo ako", kinuha ko pa yung braso niya at inikot yon kaya napangiwi siya sa sakit.

"Ano bang problema, Riley? Simula nung nakabalik tayo galing sa resort madalas ka na matulala? Kahit nga nung nandon pa tayo parang wala ka sa sarili mo palagi", sambit naman ni Ivy na nakaupo na ngayon sa tapat namin ni Andrei.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kasi 9am pa naman yung klase namin.

"I'm fine, siguro pagod lang talaga ako", sagot ko na nagpakunot sa noo niya.

"Pagod saan? Mukhang wala ka namang dapat ikapagod", tumayo siya.

"Oorder ako ng food, papabili ka?", dagdag tanong niya kaya umiling ako.

"Sandwich nalang sakin", sagot naman ni Andrei.

"Heh! Si Riley tinatanong ko, bumili ka mag isa", inirapan siya ni Ivy at umalis na kaya sinundan naman siya nitong isa.

Nagtalumbaba lang ako sa mesa at tumitig sa kawalan habang iniisip yung babaeng nagiging dahilan ng hindi na normal na pagkilos ko.

Kahit sarili ko ay hindi ko maintindihan, lagi ko siyang naiisip at pakiramdam ko pa na gusto ko siyang makita palagi kasi her presence makes me feel calm and nervous at the same time. It feels like she's giving me some type of energy that I need. Gosh, I really don't know how to explain this.

Napahilot ako sa sentido ko nang magvibrate naman yung phone ko kaya agad kong chineck.

[Instagram]

Chiara Isabelle Peters
Active now

8:04am

What time is your
class?

Kung kanina lang ay namomroblema ako, ngayon naman ay hindi ko din alam bakit bigla akong nakangiti. I feel so excited and happy at the same time. Gosh.

8:05am

Why?

I asked you first.

HAHAHAHAHA

I'm telling you
Ms. Martinez,
stop using
drugs.

What? I'm not
an addict!

You're acting like
one.

Hmm. Maybe
you're right 🤔

See?

Addicted to you.
seen.

Hindi man lang
kinilig?
seen.

Luh?
seen.

Seener amp, pero
siya una nagchat -,-

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon