CHAPTER 34

5.2K 146 96
                                    

Riley's

Muntik akong malaglag sa kama ko dahil sa gulat nang biglang tumunog yung cellphone ko at saktong pag-upo ko ay napasapo ako sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot nito.

"Damn! Ang sakit ng ulo ko pota", reklamo ko at sinubukan ko pang iuntog-untog yung ulo ko sa headboard.

Ilang segundo akong pumikit nang mariin bago ko balingan yung phone kong nasa side table na ngayon ay may missed call na galing sa sekretarya ko.

Pero ang isang nakaagaw ng pansin ko ay ang gamot at baso ng tubig na nasa lamesa din, may note pa na...

Drink this medicine for hangover and don't forget to eat breakfast, okay?

~Love, Satiel <3

Sandali akong napatitig doon at napaisip kung bakit ba ganito na lang kasakit yung ulo ko, uminom ba ako kagabi?

Muli akong pumikit nang mariin para alalahanin yung mga nangyari pero ang huling naaalala ko lang ay yung dinner namin ni Satiel kagabi.

I took a deep breath bago ininom yung gamot at nagshower na din ako. Nagsuot na lang muna ako ng wardrobe bago ako bumaba sa kitchen at nakita ko nga yung mga breakfast na nakaprepare at may note ulit na ubusin ko daw lahat yon.

She's really treating me well.

Habang kumakain ay kinalikot ko na yung phone ko at nabasa yung mga texts ni Chiara. Hala pota! Naghintay pala siya sa akin kagabi!

Hindi ako dumating. Damn!

Pero hindi ko na kasalanan yon kasi una pa lang tumanggi naman na talaga ako, diba?

Naiiling nalang akong nagpatuloy sa pagkain ko hanggang sa muling tumawag yung secretary ko na ngayon ay nasagot ko na.

+++

[Phonecall]

[Hello Ma'am Riley, good morning po]

"Good morning"

[Ahm Ma'am Riley...]

"Yes? What is it?"

[Nandito nanaman po kasi yung friend niyo]

"What?", gulat na tanong ko at muntik pa akong mabulunan.

[Yes Ma'am, kanina pa po nung tumatawag ako sa inyo]

"Wait, hindi pa umaalis?"

[Hindi pa po eh, sinabihan ko naman na baka mamaya pa kayo papasok pero sabi niya maghihintay daw po siya]

Napahilot na lang ako sa ulo ko kasi parang mas lalo lang sumasakit.

[Hello Ma'am?]

"Ah yes, I'm here"

[Paalisin ko po ba ulit Ma'am?]

"Ah no, I mean yes. Sabihin mo hindi ako papasok ngayon"

[Okay sige po Ma'am]

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon