CHAPTER 11

7.6K 239 154
                                    

Riley's

Maaga akong nagising para hindi ako malate sa first class ko. Hindi na ako tatakbo ngayon kasi naipaayos ko naman na yung sasakyan ko kahapon.

Nagpapaawa lang talaga ako kay Ma'am Chiara para isabay niya ako ulit pero ayaw nga niya. Ewan ko ba, ayoko talaga ng umaangkas sa mga motorcycle pero pag si Ma'am yung driver, shore! why naurt dibwa!

Kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko at lumabas na, iuunlock ko palang sana yung kotse ay may natanaw akong tao sa labas ng gate kaya dali-dali akong lumabas at nakita si Ma'am Chiara na prenteng nakaupo sa motor niya.

Halatang bagot na bagot kasi nagdadrawing nalang siya ng circles sa helmet niya using her fingers.

"Miss Belle? What are you doing here?", tila nagulat ko pa siya sa tanong ko kasi bigla siyang umayos ng pagkakaupo at kunotnoo akong tinignan.

"Seriously? Akala ko gusto mong sumabay? Pinipilit mo pa ako kahapon", pagtataray nito kaya hindi ko maiwasang mangiti.

"Akala ko ba ayaw mo?", lumapit na ako sakaniya at ngayon ay mas amoy na amoy ko na yung perfume niya.

"Stop talking, here", napalingon ako sa inabot niyang helmet saakin pero nanatili akong nakatitig doon.

"Ano? Di mo nanaman ako narinig?", dagdag niya kaya tinignan ko siya.

"H-hindi ko kasi alam paano isuot yan", mahinang sabi ko at napapakamot nalang sa noo ko.

Hindi nga kasi ako nagsasasakay sa mga ganito kaya di'ko alam paano magsuot ng helmet.

I heard her sighed at napasinghap ako nang bigla niyang hinalin yung suot kong I.D kaya mas napalapit ako sakaniya.

Hindi nawala yung pagkakatitig ko sakaniya habang isinusuot niya saakin yung helmet, sobrang lakas na din ng tibok ng puso ko at halos mabingi na ako.

"That's how you wear it", sabi nito pagkatapos at inirapan ako.

"T-thank you Miss Belle", sagot ko pero di niya na ako pinansin, sinuot niya na yung helmet niya kaya sumakay na ako.

Umalis na din kami kaagad at gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa University.

"Anong oras huling klase mo?", tanong nito nang makababa ako at sinimulan niyang iunlock yung suot kong helmet.

"4pm", I answered na ikinatango niya.

"Go to my office, magpapaint ka at sabay na tayong umuwi", tugon naman niya kaya muli nanaman akong ngumiti at pakiramdam ko ay may kung anong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Naccr yata ako.

Tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya bumababa ng motor niya at sinabi niyang may pupuntahan pa siya.

Nakangiti ako habang naglalakad ngayon sa hallway kasi hinatid lang talaga niya ako dito. Gosh.

"Hoy manok!", tawag ni Andrei saakin at patakbong lumapit bago ako akbayan.

"Hindi ka talaga natututo! Sabi ko wag mo na akong tawaging manok!", singhal ko sakaniya at kinurot siya sa tagiliran.

"Ayoko nga, manok ka naman kasi talaga", mapang-asar pa na sabi nito kaya inirapan ko siya at inunahan maglakad.

"Ay oh, badtrip agad?", tanong nito nang mahabol niya ako.

"Sinong hindi mababadtrip, ang aga aga nambubwisit ka. Ganda na sana ng umaga ko pero dumating ka"

"Ouch ha", umakto pa siya na napahawak sa puso niya na akala mo ay nasaktan talaga.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon