CHAPTER 28

5K 176 115
                                    

Satiel's

+++

"Kamusta naman ang buhay Professor mo?", tanong ko kay Chiara pagkatapos ko siyang icheck-up.

Every week siyang nagpupunta dito sa Hospital para nga magpacheck-up kasi makakatulong yon sa sakit niya na madadaan naman sa gamutan lalo na't hindi niya yon ipinapaalam kahit kanino.

"Ayos lang naman, mas nasstress nga ako kay Dad", sagot niya naman at napapahilot pa sa ulo niya.

"Why? Dahil nanaman ba kay Dr. Jones?", tanong ko na ikinatango niya.

"Pero tingin mo Yenny? Hindi naman siguro siya seryoso don diba? Like ipapakasal niya ako sa lalake para lang maging straight ako? Ano bang akala niya? Ganon ganon nalang yon?", may halo ng pagtataray yung boses niya kaya tumawa ako.

"Oh kalma lang, yung puso mo", natatawang sabi ko na ikinairap niya.

"Tse!", pagsusungit niya naman saakin bago siya tumayo na.

"Hoy! Kakalimutan mo pa 'tong gamot mo!", tawag ko sakaniya nang magsimula na siyang maglakad kaya padabog siyang bumalik at hinabot sa kamay ko yung pills.

"Drive safely, okay?", bilin ko pa kaya naman kumaway na lang siya at tuluyan ng lumabas ng office ko.

Kinagabihan ding yon ay naisipan kong magtungo sa club kung saan lagi kong nakikita yung babaeng gustong gusto ko talagang lapitan but idk how to approach her.

She's always with her two friends and nalaman kong she's into girls kasi lagi siyang umaakyat sa 2nd floor na may dalang babae after nila mag-inuman. When kaya magiging ako yon?

Ngayong gabi ay hindi ko siya nakita pero lagi pa din akong nagpupunta sa club na 'to and after days, boom! She's finally here and mukhang problemado pa sila, may nadagdag na ding isa pang lalake sakanila.

Medyo nakainom na din ako kaya heto ako ngayon, naglalakad papunta sakanila and after ng ilang linggo ay nakausap ko na din siya. She's Riley—the girl that I admire.

+++

After what happened between us, I didn't expect na maggogrow ng ganito yung feelings ko.

Akala ko noon ay gusto ko lang talaga siyang maka-one night stand tapos solve na ako pero hindi, heto ako ngayon nahuhulog na sakaniya.

Sobrang bait and sobrang sweet niya saakin, kapag nagpapasama ako sakaniya, game na game siya.

Kapag gusto ko siyang dalawin sa condo niya, hinayaan niya ako, kapag niyayaya ko siyang kumain sa labas, pumapayag siya tapos kapag busy naman ako ay siya yung pumupunta dito sa office ko.

Doon ako umasa—umasa na baka pareho nga kami ng nararamdaman not until may inamin siya.

"I'm courting someone", nakangiting sambit niya kaya naman nabuga ko yung kinakain ko na binili niya for me.

S-she like someone else...

"Oh my God, Satiel!", pagpapanic at agad kinuha yung tissue para ibigay saakin.

"What!?", gulat na tanong ko naman.

"Yeah", ngiting-ngiti niyang pagsagot at sa bawat ngiting nakikita ko ngayon ay siya namang pagkirot ng puso ko.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon