CHAPTER 19

6.4K 242 131
                                    

Riley's

Nasa living room kami lahat habang inaayos yung mga dadalhin nga namin sa beach, it's like magcacamping kami doon.

May mga nauna ng trabahador sa lugar na kung saan ay inaayos na din nila yung mga kahoy na gagamitin namin para sa bonfire mamaya.

Mga sariling gamit nalang dadalhin namin kasi pagdating sa mga pagkain at gagamitin sa pagluluto ay provide na nila Ma'am.

Isinara ko na yung bagpack ko kasi okay naman na yung mga gamit ko, may dala din akong tent at ganon din yung mga kasama ko.

Nanatili akong nakaupo sa couch habang pinanonood silang mag ayos, napatingin ako kay Satiel kasi kanina pa talaga siya tingin ng tingin kay Ma'am. Yung tipong may gusto siyang sabihin o itanong rito pero hindi niya magawa.

Nung tignan ko naman si Ma'am ay blangko pa din yung ekspresyon nito, grabe ang galing niya talaga magtago ng emosyon.

Nang matapos na silang mag-ayos ay kanya-kanya na kaming labas ng bahay para magtungo sa likod at mas lalo lang akong napanganga sa nakita ko.

May malaking swimming pool pala dito at sa hitsura ay aakalain mong nasa resort ka at ang mas nagpamangha saakin ay yung mga naggagandahan at iba't ibang klase ng sasakyan. Idagdag pa yung iba't ibang model nga ng helicopter na nandidito ngayon. Talagang wow!

"Riley, dito tayo"

"Ms. Martinez, come with me"

Nagpalipat-lipat yung tingin ko sa dalawang babaeng nakahawak ngayon sa kamay ko pero mas naunang bumitaw si Satiel at tinignan si Ma'am bago siya nagpatango-tango.

"Satiel! Tara dito!", tawag ni Ivy kaya nagpaalam saamin si Satiel at nagtungo doon.

"Let's go", sabi ni Ma'am at hinila-hila ako papunta sa isang kabayo.

May mga tauhan silang nag-assist kaya madali akong nakasakay, sumakay na din si Ma'am sa likod ko.

"Alam mo kung paano?", tanong niya kaya napapikit ako nang maramdaman yung init ng hininga niya sa tenga ko.

"Y–yeah pero bata pa ako nung huli akong sumakay ng kabayo kaya medyo naninibago ako", sagot ko na ikinatango niya.

"Fine..", sabi nito at mas nagsumiksik pa saakin.

"...I'll drive", dagdag niya at ikinulong ako sa mga braso niya para mahawakan yung tali ng kabayo.

"Okay na ba kayo?", tanong ni Chanel nang makaayos na din siya sa isang horse.

"Okay na!", sagot ni Ivy kaya nilingon ko sila, nakasakay sila ni Satiel sa iisang kabayo at yung huli ang magmamaneho.

Nilingon ko yung dalawa pa naming kaibigan na nakasakay na sa isang chopper. Alam ni Andrei magdrive non eh, kaya siya yung nakasakay sa Pilot seat, may kasama din silang isang trabahador para alalayan sila at ituro na din kung saan kami pupunta.

Nagsimula na kaming umalis at tama nga si Chanel, malayo nga talaga kasi halos 10 minutes na kami sa daan.

"Okay ka lang?", tanong ni Ma'am kaya tumango ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko, I bit my lower lip.

Nakasando kasi ako at pinatungan ko lang ng longsleeve polo pero dahil nga patalbog-talbog kami ay hindi ko na napansin na bumaba na pala yung polo ko sa braso ko.

"Belle?", tawag ko sakaniya.

"Hmm?", muli akong napakagat sa labi ko dahil sa naging response niya. Takte, ang lambing.

"Kung okay lang malaman, ano yung sinasabi ni Satiel kanina?", tanong ko.

Wala eh, curious talaga ako at hindi na ako mapakali kakaisip kung anong meron.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon