CHAPTER 8

7.6K 292 238
                                    

Riley's

[Instagram]

Chiara Isabelle Peters
Active now

07:12pm

What are you doing
here?

???

???

Agad kong inilibot yung paningin ko para hanapin si Ma'am Chiara pero hindi ko pa din siya makita.

07:13pm

You should be
resting.

Ay wow naman,
concerned yarn?

I'm not.

Talaga ba Miss
Belle?
seen.

Luh?
seen.

Hala siya, seryoso
kana dyan?
seen.

Oo na, sige na.
Hindi kana
concerned.

I told you, ayoko
lang magalit sakin
si Mr. Luke.

I know Miss, don't
worry, okay naman
ako :)

Correction, I'm
not worried
about you.

Okay, fine.
seen.

Medyo masakit
lang sa ngala-ngala
seen.

Parang kagat lang
ng dinosaur
seen.

Di ka talaga nag
aalala? Sure na yan?
seen.

Ay grabe, pati ba naman sa chat snobber pa din. Naiiling kong pinatay yung phone ko at ibinulsa. Sakto namang pag angat ko ng tingin ay nakita ko nga si Ma'am na naglalakad ngayon papunta sa direksyon ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan.

Dire-diretso lang naman siyang naupo sa tabi ko kaya umayos din ako ng upo.

"Hi ulit Miss Belle", nakangiti kong bati pero dinaanan lang niya ako ng tingin at inirapan pa ako.

"Afternoon nalang tayo magtraining bukas, I want you to paint the sunset tomorrow", malamig na tonong sabi nito na ikinatango ko.

"Miss Belle, I have a question", paninimula ko pero hindi niya ako tinignan. Balak ko sanang ulitin yung sinabi ko pero naalala kong kahit pala hindi siya sumasagot ay nakikinig pa din siya kaya bumuntong hininga muna ako.

"About doon sa kwento niyo kanina, nacurious lang ako doon sa guy na gusto niyo. Kwentuhan mo'ko about don", this time ay seryoso niya akong tinignan at nakipagtitigan kaya umiwas ako ng tingin.

"P-pero kung ayaw niyo naman po, ayos lang naman", pilit akong ngumiti at rinig ko naman ang pagbuntonghininga niya.

"He's my bestfriend, maliban sa kambal ko, siya yung naging malapit kong kaibigan, he's so kind, gentle, soft, he's perfect actually...", nanatili akong nakatitig sakaniya pero diretso lang yung tingin niya.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon