CHAPTER 14

7.1K 258 163
                                    

Riley's

"Miss Belle bakit kayo kumuha ng kwarto?", hinabol ko siya kasi nauna na siyang naglakad after niyang makuha yung susi sa receptionist.

"Hindi pa ba obvious?", tanong nito kaya nagtataka akong nakatitig sakaniya dahilan ng pagbuntong hininga niya.

"Eh di malamang magsstay tayo dito, tss", iritadong sabi niya at inirapan ako.

"Here's your key", inabot niya saakin yung susi ng magiging kwarto ko.

"Gawin mo na lahat ng pwede mong gawin para makakain na tayo ng lunch", huling sabi niya bago pumasok sa kwarto niya, magkatabi lang kami ng room.

Pinoproblema ko pa nga yung isusuot kong mga pamalit kasi di niya naman ako ininform na magsstay pala kami dito.

Napapakamot ako sa noo ko pero agad ding nawala yung problema ko pagkapasok ko sa bedroom ko. Pano man kasi, may mga damit na nakatupi sa bed ko, kompleto na lahat ng mga gamit na pinoproblema ko kanina at mukhang mga bago pa lahat kasi may mga tag pa.

So nakaplan na talaga 'to kay Ma'am? I mean nakausap niya na mismo yung mga staff dito bago pa man kami dumating? Aba malamang, sakanila nga 'tong resort eh.

Ewan ko din ba pero nakangiti akong lumabas ng kwarto ko at sakto din namang paglabas ni Ma'am kaya nagtama yung tingin namin pero siya naman ang unang umiwas.

"Let's it", sabi nito at nauna ng maglakad. Pagkarating namin sa cafeteria ay ipinagserve na kaagad kami ng mga staff, grabe namiss ko kaagad 'tong mga seafood.

"Eat slowly", seryosong sabi ni Ma'am kaya sinunod ko siya, di'ko na kasi mapigilan sarili ko eh. Bukod sa namiss ko kasi yung seafood ay pakiramdam ko gutom na gutom din ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago niya ako yayain sa isang cottage kung saan nakaready nanaman yung mga gagamitin ko sa pagpapaint.

"Grabe Miss Belle, hindi ka naman prepared nito no?", natatawang sabi ko pero inirapan niya lang ako at bumaling siya sa phone niya.

"You may start", sabi pa nito kaya sinunod ko siya. Ilang oras din akong nagpaint kasi wala akong reference, pure imagination lang.

Umalis din si Ma'am Chiara kani-kanina kasi may tumawag sakaniya at hanggang ngayon ay di pa siya bumabalik, patapos na ako sa ginagawa ko.

"Done!", sambit ko pagkatapos kong lagyan ng white coat yung painting ko. Inilibot ko yung paningin ko para hanapin si Ma'am pero hindi ko naman siya makita. Saan kaya nagpunta yon?

I took my phone at naisipang ichat siya, sakto naman nakaonline siya.

+++

[Instagram]

Chiara Isabelle Peters
Active now

3:37pm

Miss Belle?
seen

Tapos na ako
magpaint, saan
ka?
seen

Napakaseener
talaga, kiss kita
diyan eh
seen

+++

Naiiling kong pinatay yung phone ko kasi wala din akong mapapala kung hihintayin ko pa reply niya, alam ko namang maghihintay lang ako sa wala.

Inayos ko na at nilinis yung mga ginamit ko sa pagpapaint kanina, dadalhin ko nalang yung mismong painting sa kwarto ko at ibibigay nalang kay Ma'am mamaya kapag bumalik na siya. Kung saan-saan pa kami pumupunta, nandito naman kasi ako, hays.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon