CHAPTER 4

8.4K 338 179
                                    

Riley's

"Done!", nakangiti kong tinitigan yung painting na nagawa ko.

"Patingin!!", parang mga bata kung mag-unahan si Andrei at Ivy para tignan yung gawa ko.

"Kaya pala si Ma'am yung pinaint mo kasi siya yung hindi mo makalimutan, huh?", sabi ni Ivy habang nakangiti na parang aso.

"Pero bakit parang hindi ka naman naaalala ni Ma'am?", sabi naman ni Andrei.

"Hindi ko din alam, sa tingin ko nga ay nagpapanggap lang yon", sagot ko naman at kinuha na yung isolation coat at sinimulang ipahid sa painting ko.

"So anong plano mo?", si Ivy naman ang nagtanong.

"Hindi ko alam, kapag tinatanong ko kasi siya ay tinatanggi niya naman. Hindi daw niya alam kung anong sinasabi ko at wala siyang maalala", sagot ko.

"Naku, mahirap talaga paaminin ang ayaw talagang umamin", naiiling na sabi ni Andrei at bumalik na din sa ginagawa niya kanina.

"Eh baka naman nagsasabi talaga ng totoo si Ma'am?", napaangat ako ng tingin kay Ivy dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Baka may kapatid na kamukha niya?", agad na sagot niya na nagpaisip saakin.

Oo nga, hindi ko naitanong kay Dad kung may kapatid ba si Ma'am Chiara. Wala na kasi akong balita kay Tito Juanito eh. Ang huling nalaman ko kasi ay nagmigrate sila sa Canada, hindi ko naman alam na nakabalik na pala sila.

May kapatid kaya si Ma'am? Pero impossible eh, kung kapatid nga niya yung naka-one night stand ko, bakit magkamukhang magkamukha sila? Possible kayang...

"Baka may kakambal si Ma'am?", sabay kaming napalingon kay Andrei dahil sa sinabi nito.

"Mismo! Kaya tanungin mo si Ma'am", dagdag naman ni Ivy.

"Kinabukasan ay hinatid ko na muna yung mga kaibigan ko sa mga bahay nila, hapon lang kasi yung pasok namin every Friday kaya susunduin ko na lang sila mamaya.

Ang plano ko ngayon ay maggrocery kasi wala na akong stocks sa condo, inubos na nung dalawang palamunin.

Pagdating ko sa parking lot ng mall ay agad na nakapukaw ng mga mata ko yung black Porsche 911, wala pa akong ibang nakikitang gumagamit ng sasakyan na 'to bukod kay Ma'am Chiara. Baka nandito din siya?

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement, excitement na Makita siya o excitement na asarin siya, pwede naman sigurong both.

Kinuha ko na yung sling bag ko at pumasok na sa mall, namili lang ako sa mga kailangan sa condo lalo na yung mga pagkain at pang-hygiene, mamaya na'ko mamimili ng mga gusto ko para sa sarili ko.

Nakapila na ako sa counter nang mapalingon ako sa kabilang lane, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko ngayon. Pag sinuswerte ka nga naman.

Ang haba ng naman ng pila sa lane nila, pang-anim pa siya tapos yung hawak niya lang ay...tatlong pack ng napkin?!

"Ma'am!", tawag ko sakaniya pero mukhang hindi niya ako naririnig. Ako na kasi yung susunod sa pila kaya tatanungin ko siya kung gusto niyang ipasabay nalang sakin yung binili niya, mapapatagal pa kasi siya, puno ba naman yung mga cart ng limang nasa harapan niya tapos yung sakaniya tatlong napkin lang. Sisters pa nga.

"Ma'am!", mas nilakasan ko yung boses ko kaya nakuha ko na din yung attention ng ibang customers kasama na din si Ma'am Chiara, buong pagtataka niya akong tinignan. Nilingon pa niya yung nasa likuran niya para siguraduhing siya yung tinatawag ko.

Behind Closed Doors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon