Chapter 8

27.8K 1K 304
                                    

Zamia Brecken Wringler

Matagal akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.

"He's here. Umakyat kana sa taas Zamia, kakausapin kita ulit pag maka-tiyempo ako." Tumalikod na siya sa akin.

Gulong-gulo ako pero pinili kong sundin ang sinabi niya. Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kuwarto ko.

"Mommy! Is it okay po ba?" Bumungad si Brazilla sa akin. Sinusukat niya ang isang dress. "Bigay po ni Daddy sa akin..."

Pilit kong pinasigla ang mukha ko. "Oo! Bagay na bagay, Braz... wait kuhanan kita ng litrato," kinuha ko sa ibabaw ng kama ang cellphone ko.

"Let's take a picture together Mommy!" Ngumiti ako at mabilis na tumango. Makailang take kami ng selfie at sa totoo lang nag-eenjoy ako.

Kahit may kaunting lungkot akong nararamdaman. Kung totoo man ang sinabi ni Robot sa akin, at kung sasama nga ako sa kanya, ibig-sabihin maiiwan rito si Brazilla.

Tatlong katok mula sa pinto dahilan para humiwalay kami sa isa't-isa.

"Ako na magbubukas," aniya ko at humakbang para buksan ito.

"Good afternoon Ma'am." Isang babae ang bumungad sa akin. Siguro nasa mga 40's na siya kung titignan sa itsura. Hindi pa ako nakapagsalita nang mapansing papalapit rin dito si Al.

"She's Teressa, she will help you here, habang wala ako." Nanatili akong tahimik. "Teressa, you can stay in the guest room. Nasa baba."

"Sige Sir!" Nag bow pa siya sa akin bago tumalikod. Binaling ko ang tingin kay Al at hindi maiwasang maisip ang mga sinabi ni Robot sa akin.

"5 pm ang alis ko Zamia." Tumango lang ako at pabagsak na sinara ang pinto.

***

"Paano si Brazilla? Iiwan ko siya dito?" Kakaalis lang ni Al at si Teressa naman ang kasalukuyang nagbabantay ngayon kay Brazilla.

"Alam kong naawa ka sa kanya. Hindi naman siya maiiwang mag-isa dito Zam, maraming tauhan pa rin ang nandito. Hindi nila pababayaan si Brazilla dahil paniguradong malalagot sila kay Al." Napasapo ako sa noo ko.

Ang hirap-hirap. Gusto kong umalis pero parang bumibigat ang pakiramdam ko dahil maiiwan si Brazilla, nangako ako sa kanyang hindi ako basta-basta mawawala na lang.

Pero kung hindi ako aalis at totoo ngang ikukulong na ako rito ni Al at hindi ako pakakawalan pagkatapos ng tatlong buwan, ano na lang ang gagawin ko?

I know he's capable of lying! Nagawa niya nga akong dalhin rito nang walang permiso ko!

"Naawa ka sa anak niya, alam ko 'yon... pero sa ngayon kailangan mong kaawan muna ang sarili mo Zamia." Yumuko at dahan-dahang tumango.

"A-Anong oras tayo aalis? At sa pagkakaalam ko... chopper ang kailangan para makaalis dito." Maingat niya akong hinila papalapit sa kanya.

"May iba pa namang daan Zam, nagsinungaling din siya no'ng sinabi niya 'yon." Kinuyom ko ang kamao ko. "Alas diyes. Siguradohin muna nating tulog na ang lahat. Tsaka tayo kikilos."

"Okay... papatuligin ko rin muna si Brazilla." Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa taas.

Nakahiga na si Brazilla sa kama at nang makitang pumasok ako ay mabilis siyang tumayo.

"Brazilla... nandito kana pala. Matulog na tayo?" Sumilay ang ngiti sa labi niya bago tumango.

Nakayakap siya sa akin habang hinahaplos ko naman ang buhok niya. Ilang minuto lang ay ramdam ko na ang malalim niyang pag-hinga hudyat na tulog na ito.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now