Chapter 16

24.4K 947 196
                                    

Zamia Brecken Wringler

"Ano bang ginagawa nila Al?" Nakatunganga kong tanong sa kanya. Kakababa ko lang galing sa sasakyan niya at nandito kami sa bahay.

Pinayagan akong lumabas ng doctor dahil mamayang tanghali ang flight namin.

Nag desisyon akong dalawin muna itong bahay bago kami tuloyang umalis mamaya, kaso bumungad sa amin si Roxan at Darth na nagsasabunutan sa may tapat ng bahay.

"I don't know also, Zam." Maging siya ay nakaawang ang bibig habang diretso ang tingin sa dalawa na walang tigil na nagbabangayan.

Ni hindi nila napansing nakatingin kami sa kanila.

"Ilusyonada kang bakla ka! Wala ka pa ring pekpek kahit anong sabihin mo!" Sigaw ni Roxan at mas lalong diniinan ang pagkakasabunot kay Darth.

"Ah talaga ba? Kesya naman sa 'to may kepay pero hindi nadidiligan! Pakshet ka rin Roxan! Flirt!" Hinilot ko ang noo ko bago tumikhim dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.

"Z-Zamia..." si Roxan ang unang bumitaw at tumakbo papalapit sa akin. "N-Nakalabas ka na ng hospital!?" Inismiran ko siya.

"Obvious ba ha, Roxan? At ano 'yan... para kayong pulubi sa kalsada. Ang gugulo ng buhok niyo." Umirap si Roxan kay Darth at bumulong sa akin.

"Bruha 'yang si Darth, naiinis ako! Masyado siyang annoying, muntik ko nang kalbuhin 'yan, eh." Umiling ako at naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Do you think I can't hear you? Pabebe gurl ka! I hate you so much talaga! Kuya I told you, nakakainis ang girl na 'yan!" Si Darth naman na ngayon ay nakalapit na kay Al.

"Bear it. It's your choice to come here right?" Bumaling si Al sa akin at ngumiti.

Nag-iwas naman agad ako ng tingin at dumiretso sa kuwarto ko.

"Aalis ka n-na? Iiwan mo na ako Zamia!?" Kaunti na lang ay maluluha na si Roxan habang nakatingin sa akin.

"Babalik ako dito pag naayos ko na ang dapat na at kailangan kong ayusin Roxan. Kung alam mo lang... subrang gulo ng buhay ko." Sumimangot ako at nagsimulang ilagay sa maleta ang mga gamit ko.

"Kung puwede lang akong sumama! Hmp!" Tinapik ko ang balikat niya.

"Magkikita pa tayo ulit Roxan... pangako 'yan."

* * *

"Are you feeling well? Hindi ba masakit ang ulo mo?" Umiling lang ako at binaling ang atensyon kay Brazilla.

Nandito na kami ngayon sa airport at papasok na sa eroplano. Kasama namin sila Nanay at Tatay, pati na rin ang kapatid ni Al.

"Tama nga ba talaga ang desisyon kong ito, Al?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko maiwasang mangamba eh... ang sabi mo maraming nag-aabang sa akin sa Manila, hindi kaya sila madi-dissapoint pag nalaman nilang wala akong maalala?"

Bahagya akong umigtad nang hapitin niya ang bewang ko.

"They will not Zamia." Bulong niya sa akin.

Ramdam ko pa ang hininga niya sa may leeg ko kaya humiwalay rin ako agad.

"O-Okay."

Aabutin nang ilang oras ang flight bago kami makarating. Nakatulog na si Brazilla na ngayon ay katabi ko.

Habang ako ay hindi man lang dinadalaw nang antok. After knowing all of those revelations, parang napunuan 'yong mga kulang na nararamdaman ko.

Nagagalak ang puso ko dahil kahit hindi ko pa nababalik ang buong ala-ala ko may mga kaunting detalye pa rin akong nalaman tungkol sa sarili ko.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon