Chapter 29

21.7K 729 172
                                    

Zamia Brecken Wringler

"Bakit mo nasasabing umalis ng bansa ang daddy mo?" Nagsimula kaming tanungin si Gizem.

"Matagal ko nang napapansin ang kakaibang kilos ni Daddy, simula pa man noong nalaman namin na nasa hospital si Zamia, 3 years ago." Panimula niya.

"He's terrified but I didn't pay attention to it. Hindi ako nagtanong o kung ano pa, at noong nalaman naming bumalik na nga si Zamia, mas lalong nag-iba ang kilos ni Daddy. Palaging balisa, hindi mapakali, the other day nakita kong nagliligpit siya ng mga gamit niya. Lahat ng damit nilagay niya sa maleta, at iba pa... kaninang umaga hindi ko na siya mahagilap sa bahay. So I think he's already out of the country, nalaman ko rin kasi sa secretary niya na, nagpapahanda siya ng passport." Seryoso lang kaming nakikinig sa kanya.

Napasinghap ako ng may naalala. Marahan kong hinawakan ang kamay ni Gizem, at nakita ang tatto doon.

"May nakita akong ganitong tatto Gizem... kaya noong una akala ko ikaw talaga ang nagpahirap sa akin," pinunasan niya ang luha sa pisnge niya.

"My dad also had this tatto, noong nag-18 ako, sabay namin 'tong pina-tatto. That's why I had this, and also daddy... ang sabi niya simbolo ito ng pagmamahal niya sa akin."

Ngayon mas naintindihan ko na. Gizem... is not the culprit, ang daddy niya ang totoong may kasalanan.

"I may hate you Zamia pero hindi umabot sa puntong gusto kong mawala ka. Nalason ako ng pagmamahal ko, kaya nasabi ko at nabitawan ko ang mga salitang 'yon noon." Umangat ang tingin ko kay Al.

She loves him so much that she turned into desperate woman. I can't blame her, ganoon talaga siguro pag subra-subra kang nagmahal.

"Nasaktan ako at umasa ako... pero hanggang doon lang naman talaga ang lahat... pinili ko na lang ayusin ang sarili ko noon. Not until, I heard about your disappearance, kinabigla ko rin 'yon. At nang araw na malaman ko 'yon may sinabi rin sa akin si Daddy... 'It's your time to shine, hija. Wala ka nang dapat ikabahala.' 'Yun ang sinabi niya sa akin."

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.

"Sa tingin mo saang bansa kaya naroon ang daddy mo?" Biglang nagtanong si Analiz. Hindi pa rin maalis ang pagdududa sa kanyang boses.

"I don't know... marami naman siyang pinupuntahan noon, so I don't really know where he is. At isa pa hindi naman ako sigurado kong umalis ba talaga ng bansa si daddy." Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil do'n.

Kung wala pang kompermasyon ibig-sabihin may posibilidad na nandito pa rin siya sa Pilipinas.

"My dad has been so angry to your family Zamia... simula pa man noon. I knew about his true gender, that he's a gay... siya nga ang unang nagturo sa akin about makeup's, dresses, and everything. Hanggang sa magkwento siya sa akin nang tungkol sa pamilya niyo... he said that he hate your mother because she stole everything from him." Umiling ako.

Kabaliktaran ang kwento ng daddy niya!

"Palagi niya ring sinasabi sa akin na dapat talunin raw kita sa lahat... na dapat ako ang mas una kaysa sa 'yo. At sinabi niya rin sa akin na dapat protektahan ko ang dapat na akin dahil darating ang araw na aagawin mo lahat... and before, I thought he's right, kasi nakuha mo sa akin si Al... kaya tuloyan akong nagalit. Inisip ko na tama si Daddy, na kukuhanin mo ang lahat ng sa akin."

"That's not true Gizem... ni hindi ko alam noong una that you're his ex-girlfriend. At kahit kailan hindi ako nakipag-kompetensya sa 'yo." Natahimik kaming pareho.

"The police is now doing their job, at nalaman din nila na walang trace na umalis ng bansa ang daddy mo Gizem. That means, he's still here in the Philippines." Si Klaus na ngayon ay hawak-hawak ang cellphone niya.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum