Chapter 27

19.7K 772 290
                                    

Zamia Brecken Wringler

"Kailangan mong magpalakas Zamia, masaya akong bumalik na ang ala-ala mo, ngunit ayaw kong mabinat ka." Hindi ako sumagot.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nasa gilid si Mommy at si Nanay Merge naman ay nilapag ang pagkain sa gilid ng kama ko.

"S-Si A-Al po? Nasaan siya?" Nagkatinginan silang dalawa ni Nanay.

"Umalis siya Zamia... gaya nang gusto mong mangyari," si Nanay Merge ang sumagot.

Mas lalong bumigat ang puso ko dahil ro'n. Ang huling pag-uusap namin ay pinaalis ko siya... pinagtabuyan ko.

"Gusto ko po siyang puntahan..." gusto kong mag-sorry dahil sa sinabi ko.

Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko. Ngayong bumalik na ang ala-ala ko mas lalo kong naintindihan ang lahat.

I love Al... sadyang pinangungunahan lang ako nang galit.

Sa pag-aakalang nagsinungaling siya sa akin.

I hurt him. Wala siya rito dahil pinaalis ko siya.

"You need to gain more energy Zamia... bago mo harapin ulit sila," pilit na lang akong tumango.

"Ilang oras na po ba akong walang malay?" Nagbaba ng tingin si Mommy.

"Dalawang linggo na Zam... you're 2 weeks unconscious." Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa narinig.

Hindi oras... kundi linggo? Ganoon katagal?

"Hindi po pumunta si Al?"

"Hindi ko muna sila hinayaang bisitahin ka Zamia... pati na rin si Klaus." Huminga ako nang malalim.

Hearing Klaus's name is making me angry. Naalala ko na lahat! Kung paano... kung paano niya ako niloko noon. He made me sign that paper... panloloko 'yon.

I am clueless. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya sinasabing asawa ko siya.

At may kasalanan rin ako dahil hinayaan ko agad ang sarili kong malason ng emosyon at pinagtabuyan si Al.

I wonder... how is he now?

* * *

Isang araw akong nagpahinga sa loob ng kwarto ko. Ngayon lang ako nakababa. Hindi ko pa binanggit kay Mommy ang tungkol sa daddy ni Gizem.

Si Mr. Choi... siya ang kumuha sa akin. Gusto kong intindihin lahat... kung bakit na-involve siya sa gulo namin. Inutusan ba siya ni Gizem? Na pahirapan ako?

Kung ganoon kailangan kong makuha ang opinyon ni Gizem.

"Zamia..." napatigil ako nang marinig ang boses na nanggaling sa likuran ko. Dumausdos ang galit ko nang humarap ako kay Klaus.

"Mabuti nagpakita ka pa Klaus? I thought you're going to hide forever to keep our mere marriage?" Nanlaki ang mata niya.

"Zamia---"

"Yes, I've regain my memories! Bumalik na sa akin ang lahat at kung paano mo ako... paano mo kami niloko!" Sigaw ko.

Yumuko siya at akmang lalapit sa akin ngunit mabilis akong lumayo. "After hiding for so many years... naisipan mo ring bumalik. Now I want to question you, Klaus, bakit mo nagawa sa akin 'yon!?"

"Zamia... I did that because I love you... nagawa ko 'yon dahil gusto kong masiguro na sa akin pa rin ang bagsak mo---"

"You're selfish! Sa tingin mo tatanggapin ko ang rason mong 'yan!? Nang dahil sa ginawa mo, subrang gumulo ang lahat Klaus!"

The Unknown Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now