Chapter 30

24.1K 838 309
                                    

Zamia Brecken Wringler

"Gizem..." Mahigpit ko siyang niyakap. Dumating na ang mga ambulansiya para sa mga pulis at tauhan na dala namin na ngayon ay sugatan.

Mr. Choi is dead. Hindi na ito humihinga at ngayon ay sinakay na rin sa ambulansiya.

Tahimik lang umiiyak si Gizem. Alam kong mahirap sa kanya ang nangyari dahil kitang-kita ko kung gaano niya kamahal ang Ama.

Maging ang desisyon niya kanina ay mahirap pero pinili niyang gawin. After all, Gizem have a nice and warm heart.

Sadyang nalason lang ng kanyang Ama ang isipan niya. "Gizem... t-thank you for the cooperation... hindi ako masaya na nawala na ang Daddy mo, dahil kahit galit ako sa kanya ayoko ring mamatay siya... pero wala tayong ibang nagawa dahil nanlaban ang Daddy mo."

She faced me. "Naiintindihan ko. Mahal na mahal ko rin ang Daddy ko Zamia, gaano man siya kasama... pero ayoko rin namang hayaan na lang siya na may masaktan ulit."

"I'm sorry kung napagbintangan ka namin... We're sorry for judging you too early." Pilit siyang ngumiti.

"Alam ko namang kaduda-duda talaga ako Zamia. Thank you for believing me, sa dami ng mga nangyari nagawa mo pa ring magpakabait 'no? Ako 'yung namali ng pagkakakilala sa 'yo." Hindi ako sumagot, mahigpit ko lang siyang niyakap.

"Zam, Gizem. Let's go?" Lumapit si Analiz sa amin. "Okay lang kayo right? Baka may sugat ka Gizem?"

"No, I'm fine..."

"Analiz, how about you? Ayos ka lang?" She nodded.

"Tara na?" Sumunod kami sa kanya pabalik sa van.

Natanaw ko rin hindi kalayuan si Klaus, Al at Exeriel na kausap ang mga pulis.

"Exeriel was shot..." napalingon kami kay Analiz. "Hindi ko alam kung anong iniisip ng lalaking 'yon. But he covered himself kanina, kaya imbes na sa akin tumama ang isang bala ay siya ang natamaan." Nanlaki ang mata ko.

He was shot?

"Dapat sumama siya sa ambulansiya..." sumimangot si Analiz.

"That's what I said to him! Pero nag mamagaling! Daplis lang daw, I don't what to do about him."

Bumalik ang tingin ko sa tatlong lalaki na ngayon ay naglalakad na pabalik sa Van.

Sa itsura ni Exeriel ay parang hindi ito natamaan. May puting tila lang ang nakapulupot sa braso niya.

"You guys are okay?" Si Klaus.

Kanya-kanya lang kaming tumango.

Nagsimula ng mag drive si Al. Hinayaan ko rin ang sarili kong sumandal sa bintana ng van.

Is it really done now? Wala akong ibang nararamdaman kundi ang tuwa sa puso ko.

Nang sa wakas ay nakarating kami sa bahay ay wala akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo papasok sa loob.

"Zam!" Sinalubong ako nang yakap ni Mommy, pati na rin si Roxan. Lumapit rin ako kay Daddy na ngayon ay nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Brazilla!" Mahigpit ko rin siyang niyakap. "Mommy is home now... already home..." bulong ko rito kasabay nang hagulhol.

"I'm glad you all are safe," tumango ako at hinarap si Mommy.

"Wala na po si Mr. Choi, nasa hospital siya ngayon dahil inaayos ang katawan niya." Hindi sumagot si Mommy.

Hinarap ko si Roxan. "Thank you Rox, and Darth for being here... sa inyong lahat, thank you so much. I can't win this battle without you guys. Salamat sa lahat ng tulong nito... lalo na sa 'yo Gizem, you lost your father in able to help me." Tumango siya at ngumiti.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now