Chapter 9

27.2K 1K 356
                                    

Zamia Brecken Wringler

Katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Gulat ako sa sinabi niya pero nag-aalala rin ako sa kamay niyang ngayon ay dumudugo.

Nang makaipon ako ng sapat na lakas ay naglakad ako papalapit sa kanya at sinuri ang kanyang kamay. Basag pa sa basag ang basong hawak niya.

Dahan-dahan niya iyong binitawan at hindi na ulit siya nagsalita pa ulit. Nakatingin lang din ako sa kamay niya dahil may kaunting bubog ang naiwan doon, hindi ko alam kung paano ko aalisin.

At mukhang napansin niya 'yon kaya siya na mismo ang nag tanggal ng mga natirang bubog.

Mas lalo tuloy kumalat ang dugo sa kamay niya. Siya naman ang hinila ko papalapit sa may gripo para hugasan ang kamay niya. Mabuti na lang at hindi siya nag matigas.

"Bakit mo naman binasag 'yung baso... kawawa 'yon, napuruhan mo," pinunasan ko ang kamay niya habang nakaawang naman ang kanyang bibig.

"So, you're worried about that glass and not on me?" Iwan ko pero kusa na lang akong ngumiti dahil sa sinabi niya.

Kinuha ko na lang ang first aid kit at nagsimulang gamutin ang sugat niya. Ano 'to? Pagalingan mag gamot ng kamay? Exchange?

"Huwag mo masyadong i-galaw para hindi mabinat 'yung sugat mo." Aniya ko pagkatapos ko itong gamutin.

Hindi siya nagsalita kaya tumitig ako sa kanya.

"Oo nga pala... kanina, anong sabi mo? Bakit hindi na lang ikaw?" Umamba siyang tatalikod sa akin pero mabilis ang galaw ko at pinigilan siya.

"I'm tired Zamia." Hinarap ko siya sa akin.

"Palusot ka lang eh. Akala mo ba hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin n'on!?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ibalik niyo na 'to sa kuwarto niya." Lumingon ako sa may pinto at nakitang pumasok ang dalawang tauhan niya.

"Huy! Ano 'yon ha? May gusto ka ba sa akin Al!? Tama ako 'no!? In love kaba sa akin!?" Sinubukan kong kumawala sa dalawang lalaki pero masyadong malalakas.

"Go sleep Zamia." Patay-malisya niyang sabi.

"Sabihin mo na lang na totoo! Mag gusto ka nga! Alam ko mga ganyang galawan!"

"Masyado kang maingay."

"Aminin mo na lang! Straight backward akong tao! At sa nakikita ko may pag-tingin ka ata sa akin Al! Ang creepy mo! Siguro hindi lang talaga si Brazilla may gusto sa akin pati ikaw rin! Tama ako 'no!" Narinig ko ang mahinang mura niya pero may ngisi rin sa labi niya. "Matikas ka!"

"Ihatid niyo na," utos niya pa ulit at nagsimula na akong kakaladkarin papalabas.

"Hoy Al! Huwag kang ganyan! Malandi ako pero takot ako sa commitment! Huwag kang aamin sa akin! I swear!" Habol-habol ko ang hininga ko nang makarating kami sa kuwarto.

Shit. Ngayon ko lang naalala na tulog na pala si Brazilla. Tapos subrang ingay ko pa.

"Ayos na ako rito. Hindi na ako tatakas, itaga niyo sa mukha ng amo niyo." Nginisian ko ang dalawa bago pumasok sa loob. "Ah... si Robot ba? O-Okay lang siya?"

Nagdalawang-isip silang sumagot pero nagsalita rin kalaunan. "Ayos lang po Ma'am. Bukas ipapahatid na siya sa Manila." Tumango ako at sinara ang pinto.

Aaminin kong nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Kahit pa man naguguluhan ako at nalilito kung sino ang paniniwalaan sa kanilang dalawa, hindi pa rin maipagkakait na may kasalanan rin ako.

Kung nanatili ako dito hindi sana 'yon mangyayari. Dumapo ang tingin ko kay Brazilla na mahimbing ang tulog.

Humakbang ako papalapit sa kama at mahigpit siyang niyakap.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant