Chapter 13

24.1K 1K 221
                                    

Zamia Brecken Wringler

"Zamia..." hinaplos ni Nanay ang kamay ko habang diretso pa rin akong nakatingin kay Al.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa ekspresyon niya ngayon. "Anong ibig mong sabihin Zamia? Nakita mo siya sa panaganip mo?"

Dahan-dahan akong bumaling kay Nanay at tumango. "Subrang naguguluhan na ako 'Nay... dumagdag pa ang mga tanong ngayon sa isip ko."

"You saw me? Zamia..." si Al. Walang emosyon akong tumingin sa gawi niya at yinakap ang sarili ko. "Sabihin mo Zamia... nakita mo ba talaga ako sa ala-ala mo?"

"Hijo... mas mabuting huwag na muna natin siyang pilitin---" pinutol ko ang sasabihin ni Tatay.

"Oo! Nakita kita... noong una may hawak-hawak kang sanggol, nakangiti ka habang karga mo 'yon..." humagulhol ako. "Pangalawa, n-nakaluhod ako sa harapan mo... alam kong ikaw ang lalaking 'yon... anong ibig-sabihin n'on Al?"

Kinuyom ko ang kamao ko. Parang sasabog na ako hindi lang sa lito pati na rin sa sakit! 'Yong mga nakita ko sa panaganip ko parang totoo.

"Oh baka naman..." tumitig ako sa kanila. "Baka... baka nasisiraan na ako ng bait? Hindi kaya nababaliw na ako 'Nay? Kaya kung ano-ano ang nakikita ko?" Pati labi ko ay nanginginig na rin, bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay parang katotohanang sumasampal sa akin.

"Zamia tigilan mo ang pag-iisip ng ganiyan... hindi ka baliw, huwag mong isipin 'yan. Hindi ko man alam ang totoong nararamdaman mo pero nasasaktan rin ako para sa 'yo, kaming mga nakapalibot sa 'yo..." sinapo ko ang noo ko at mabilis na sinabunutan ang sarili.

"Iuwi niyo na ako 'Nay! Pakiramdam ko mas lalo akong masisiraan ng ulo pag nanatili pa ako dito sa hospital!" Sigaw ko at walang tigil na hinahampas ang ulo ko gamit ang aking kamay.

Gusto man nila akong pigilan pero hindi ko sila hinayaan. "Zamia! Tigilan mo 'yan! Hind ka baliw! Kailangan mong manatili rito sa hospital para mas masuri ka ng mga doctor..."

Bumaba ang kamay ko kasabay n'on ang pagtulo ng luha ko. Gusto ko lang naman maalis ang sakit... gusto kong maintindihan ang nangyayari sa akin.

Pero ang hirap... Parang mas malala pa itong nangyayari sa akin ngayon.

"Uuwi na ako... hindi ako nababagay dito 'Nay. Kailangan kong umuwi," akma akong tatayo nang pigilan ako ni Al.

Maingat niyang hinawakan ang braso ko habang umiiling. "Don't do this Zam... you need to be here, uuwi lang tayo kung kailan puwede na. Sa ngayon please... please stay here." Inagaw ko ang braso ko.

"Ano bang alam mo Al!? Wala kang alam! Hindi ko kailangan ang hospital na 'to! Mas gugustohin ko pang mag pagamot sa bahay! Doon mas magiging maayos ako!" Pinilit kong umalis pero malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Nanay, dahilan para matigilan ako.

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Zamia, nakikita ko ang mga paghihirap mo... mula noon at maging ngayon. Mahirap at masakit na nakikita kang nagkakaganyan, hindi rin namin ito ginusto Zamia. Pero ito ang kailangan mo ngayon... kailangan mong manatili dito, anak."

Wala akong magawa kundi ang umiyak.

* * *

Nakatulala lang ako sa puting kisame ng hospital, ngunit ramdam ko pa rin ang titig ni Al sa akin.

Binaling ko ang tingin sa kanya at mukhang nabigla siya sa dahil sa ginawa ko. Matagal akong nakatitig sa mukha niya, inaaral ang bawat detalye.

"Are you hungry?" Panimula niyang tanong.

The Unknown Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now